Kabanata 29

1278 Words

Seremonyas (Pangalawang Bahagi) Sumapit na ang sandaling hinihintay ng lahat: ang araw ng ika-21 na kaarawan ng Hari ng Dagat ng Ayisa. Maayos na maayos na sa loob at labas ng Simboryo ng Ayisa. Angkop lamang sa okasyong tulad nito, ang penultimang ika-21 na kaarawan ng pinuno ng kahariang-tubig ng Ayisa. Angkop ba talaga? Totoo naman na ang kulay na morado o lila ay ang kinagisnan na na kulay ng kadakilaan, lalo na sa daigdig ng tao; subalit ang kulay na morado o lila ay ang kinagawian ding kulay ng pagluluksa, ng matinding lungkot, ng pangungulila. Sino ang pumili ng pangunahing kulay para sa okasyon? At ang mga bungkos ng halamang-dagat na nakalinyang parang mga kawal mula sa gilid ng terasa hanggang sa paisahe na papasok sa lagusan ng gusali, sino rin ang pumili? Sino ang magaling na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD