Ang Pagsisiwalat “Hi-hi-hindi ko alam…” ang takot na takot na tugon ng majority seafloor leader, “basta ako, dito lamang ako sa tabi ng Almeha. Ilang minuto na lamang kasi at iluluwal na niya ang kuwintas!” Biglang may narinig sina Konsehal Pabebe na malakas na tunog na tila nagmumula sa pang-ibabaw na saray ng dagat. Kaalinsabay ng tunog na ito ay ang pagbago ng kulay ng tubig ng Ayisa. Tila may dumadaluyong na malaking unos ang pakiramdam nina Konsehal Pabebe na nais lumagos sa isperong bubungan ng Simboryo. Sa gitna ng ingay ng mga nagsisitilian at nagsisitakbuhang nilalang sa labas ng Simboryo’y nananatiling malakas ang loob ng grupo ng majority seafloor leader na bantayan ang pagbukas ng Almeha. Sampung minuto na lamang at bubukas na ang malaking talukab ng Almeha. Kaalinsabay ni

