May Tainga Ang Dagat, May Palikpik Ang Balita Dalampu’t tatlong araw na lamang bago pa ang ika-21 na kaarawan ng Hari ng Dagat. Sa gawing likuran ng Simboryo, kung saan may ginawang pampublikong poso n***o ang mga pugitang lingkodbayan ng Ayisa gamit ang biyayang tulong na tubig-dagat mula sa kaharian ng Kanaken at Kanimo, may isang pila ng mga taga-Ayisa ang naghihintay upang umigib ng magagamit na tubig-alat. Mayroon pa ring isang umpukan ng ilang kababaihang taga-Ayisa ang nasa isang sulok at abalang nagkukusot ng kanilang labahin (oo, naglalaba rin sila sa ilalim ng dagat!): isang tulingan, isang budlisan, at dalawang dalagitang tamarong. At ano ang mainit na usap-usapan? Halina’t makinig tayo. Doon muna tayo sa umpukan ng mga labandera. “Ano kayo?” ang banat ng tulingan habang na

