Diplomasya Sa larangan ng diplomasya, tila mas malinaw pa ang Batas ng Sangkatubigan ng mga dagat kaysa sa Batas ng Sangkalupaan ng mga tao. Simulan natin sa usapin ng hanggahan. Pabago-bago ang alituntunin ng tao pagdating sa hanggahan. Marami ang nakabatay sa heograpiya. Mayroon din naman na ang gamit na pamantayan ay kasaysayan. Mayroon ding nakabatay sa likas na hanggahan, tulad na nga ng mga katubigan, mga bulubundukin, mga kapatagan, at marami pang ibang mohong likas na umusbong sa lupa tulad ng puno, o di kaya’y malaking tipak ng bato. Iisa lamang ang patakaran ng hanggahan pagdating sa tubig. Ang hanggahan ng dagat ay ang pagkaalat ng kaniyang tubig. Ang sa ilog naman ay ang pagkatabang. Sumusunod lamang din ang hanggahan ng mga katubigan ayon sa likas na hanggahan ng mga konti

