Katrina's P.O.V "GUYS! Mag prepare na tayo bago dumating si Teacher Lizette." Nagayos na ang mga kaklase ko dahil magsisimula na ang presentasyon pagkadating ni Teacher Lizette. Ito ang project na sinasabi n'ya sa amin kahapon. Habang nagaayos ang mga kaklase ko, inisip ko yung nangyari kanina. Si Louie hinatid n'ya na naman ako. Hinahatid n'ya na ako lagi simula nung una n'ya akong hinatid hanggan ngayon kaya lagi kaming sabay pumasok ng School. 'Di ko alam kung bakit n'ya ako hinahatid kaya tinanong ko kung bakit n'ya ako ang isinagot n'ya naman kanina ay 'To keep you safe' tapos ngingiti ito. Napapansin ko talaga na lagi na siyang nguningiti sa akin pero pagsaiba bumabalik siya sa pagiging expressionless at cold. "Kanino itong garbage bag? Bakit ambaho?!" Tanong ni Arian

