Katrina's P.O.V "SO bukas dalhin niyo ang mga gamit niyo para sa performance bukas Section Z, Okay? So you may now have your Lunch." Sabi ng Guro namin na si Teacher Lizette tsaka lumakad palabas ng room. Meron kasi kaming group presentation bukas kaya pinapadala kami ng gamit namin. Project kasi namin to at malapit narin ang 1st periodical test. Nagsiayos na ng mga gamit ang mga kaklase ko nang may nagring galing sa teachers table. Napukaw nito lahat ng atensyon namin, lahat kami ay nakatingin at nagtataka bakit may tumutunog sa table. "Bakit may tumutunog diyan?" Tanong ni Arian. "Ano yung nagriring? Alarm clock ba o phone? Tingnan niyo nga." Saad ni Jen. Nakita ko si Mary na tinungo ang ulo pataas at ngumiti. Nakaramdam ako ng kaba sa bawat galaw at kilos ni Mary

