Katrina's P.O.V TUMUNOG ang cellphone ko, kinuha ko ito sa bulsa ko habang di tinitingnan kung sino ang tumatawag at inaccept ang call. "Hello?" "Hi, baby." Sino to? Tiningnan ko ang caller ID at si Papa pala. "Pa! Ikaw pala yan. Miss ko na po kayo!" "Miss nadin kita Kat, Kamusta ka na?" "Ok lang naman po, kelan po kayo uuwi?" "Baka sa Saturday or Sunday, basta imemessage nalang kita paguuwi na ako. Ahh, Kat ibaba ko na ang tawag may ginagawa pa kasi si Papa e. Tumawag lang ako saglit, ingat ka diyan. Bye." Tumigil ang tawag at napangiti ako pagkatapos. Uuwi na si Papa! Yes! Na mi-miss ko na siya at nakakatakot nadin minsan mapagisa sa bahay. "Papa mo?" Tanong ng isang tinig at si Lester pala. "Oo, uuwi na kasi siya." Tugon ko. "Oo nga pala d

