Katrina's P.O.V BUMUKAS ang pintuan ng classroom namin at pumasok ang Advicer namin. "May bago kayong kaklase, galing sa ibang section." Sabi ni Teacher Rose ng makapunta sa gitna ng harap. May bago kaming kaklase? Sino naman yun? At bakit dito pa sa section namin ang napili n'ya lipatan? Malapit narin matapos ang 1st Grading period. "Pumasok kayo." Pumasok ang bago o mga bago naming kaklase na nakahilera. Apat? Apat silang nagpalipat dito? Pumunta sila sa gitna ng harapan at ngumiti sa amin. Tahimik at nagtataka ang lahat, hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba. "Bakit parang kakaiba ang mga ekspresyon ng mga kaklase natin Kat?" Tanong ng katabi ko sa upuan na si Lester. "Hindi ko din alam, ako nga din nagtataka sa mga bagong nating kaklase at sa mga reacti

