Katrina's P.O.V "TARA ayusin na natin yung upuan natin." Sabi ni Ann. Tumango kami tsaka tumayo at inikot ang upuan, nang matapos iikot ang mga upuan ay nilabas na namin ang mga baon namin at nilapag sa lamesa ng aming upuan. Lunch, nakaikot ang mga upuan namin at tulad ng iba na na grupo grupo din kumain. "Magdasal muna tayo." Sabi ni Ann. Pinikit namin ang aming mga mata at tumugo at nagsimula ng magdasal, nang matapos magdasal ay sabay sabay naming binuksan ang aming mga pagkain at nagsimula na kumain ng sabay sabay habang naguusap. Sama sama parin kaming magkakaibigan pero yung pagtitiwala sa isa't isa ay medyo nabawasan, dahil sa nagaganap na pangyayaring masama pati tiwala mo sa mga kaibigan mo nasisira. "Oaah!" "Oho! Oho!" Napatingin kami sa lugar

