CARMELITA "I'M beat!" sabi ng best friend kong si Agatha at tumabi sa akin sa sofa. Kinuha nito ang hawak kong wine glass at ininom ang alak na naroon. Napailing-iling na lamang ako at sinalinan ang bakanteng wine glass ng alak. Pagkatapos ay nilagok ko ang laman ng wine glass ng walang pag-aalinlangan. "Naglalasing ka ba?" tanong nito. "Nope," sagot ko. "Tulog na ba si Tali?" "Yup. Naghihilik pa nga," sabi ni Agatha. Nasa sala kami at kasalukuyang nanonood ng horror series sa Netflix. It was a horror series na recommended ngayon which is The Haunting of Bly Manor. Sinimulan ko ng panoorin yun nung bago pa kami pumunta ng Coron pero na-stop lang, kasi nga ay nagbakasyon kami. And yes, we are back home. Nasa bahay na ulit kami at tinutuloy ko iyong panoorin. Nakikinood na rin si Aga

