FERNANDO MAGMULA ng bumalik kami galing Coron ay mas lalong nag-iba ang trato ni Carmelita sa akin. After the kiss we shared that night in Coron, I asked her to give me more time para pag-isipan ang proposal nya. She looked hurt when I said that pero mabilis naman itong nakarecover. Kinabukasan, nung 2nd day ng aming tour, medyo uneasy ito or guni-guni ko lang iyon kasi naging okay na ulit ang pakikitungo nya sa akin and she was still extra sweet and clingy. Hanggang sa makauwi na kami at bumalik sa normal na routine namin sa Mairaos resort, mas naging intense pa ang pinapakitang pagkainteres sa akin ni Carmelita. Kanina, when Maribel was here, medyo nagkairingan ang dalawa. I saw how Carmelita look so pissed at parang gustong pumatay ng tao. It was my first time seeing her like that.

