"ARE you okay?" Lumapit si Carmelita kay Fernando. Nakita nya kasing parang uneasy ito. Medyo nagulat si Fernando ng lumapit si Carmelita. He was zoning out. He was thinking of a way na makausap ang babaeng kumalabit sa kanya kanina without anyone from the resto bar getting suspicious with him. "O-okay lang," sagot ni Fernando. Pilit nitong tinatago ang kaba at pagkabahala sa ngiti nyang nakaplaster sa labi nya ngayon. "Sigurado ka?" Hindi kumbinsidong tanong ni Carmelita. Lumapit pa ito kay Fernando at dinama ang noo at leeg nito. "Namumutla ka at pinagpapawisan. Napagod ka ba? Magpahinga ka na lang muna kaya saglit. Sige na. I will cover for you," nag-aalalang sabi ni Carmelita. "Eh, busy pa tayo. Kaya ko pa naman... pero magandang ideya nga yan. Medyo napagod lang talaga ako. Okay l

