"MASAYA ka na ulit?" tanong ni Agatha kay Carmelita na pasipol-sipol pa habang nagtatrabaho. Tapos na rin itong kumain. Magkasabay sila ni Fernando. "Ha? Lagi naman akong masaya, bes," nakangiting sagot ni Carmelita sa kaibigan. Tumaas ang isang kilay ni Agatha sa narinig. "Anak ng... Kailan ka pa naging ipokrita, bes?" tanong ni Agatha. Umupo ito sa bakanteng sofa. Itinaas pa nito ang mga paa sa coffee table. Minsan rin ay parang gangster kung umasta itong kaibigan ni Carmelita. "Galit na galit ka dyan, bes? Nahawaan ka na ba ni Onin sa pagiging masungit?" hindi apektadong sabi ni Carmelita. "Mas malala pa sa pagsusungit ni Onin ang matitikman mo, bes. Kaya wag kang nagtatago sa akin ng sekreto dyan. Spill it. Now," utos ni Agatha sa kaibigan. "Hala sya. Wala naman akong balak itag

