Chapter 33 "Kailangan na nating pabagsakin ang pamilya nila, hindi naman maaring dahil nabigo akong maging Pureblood at sila ang magtatamasa!” si Viel na nakaupo sa isang swivel chair. (Si Viel ay matatagpuan sa The last Pureblood Vampire bilang isa sa pinakapinagkakatiwalaang Vampire Knight ni Drifher Draven na isang Pureblood Vampire, sa ikalawa naman ay sa Raised by Wolves bilang itinalagang Vampire Senate master na sana ay magiging Pureblood Vampire ngunit napatalsik sa p’westo.) "Malapit na silang italaga bilang ikatlong nabubuhay na pamilya ng mga Pureblood, ilang araw na lang kaya dapat magmadali na tayong ilabas ang kasiraan nila," si Margaux ang sekretarya nito at Lover na nakaupo sa mesa ni Viel at hinahawakan

