Chapter 28 Makalipas ang dalawang linggo GABRIEL'S POV Hanggang nakatayo ako lahat sila ay mga chess pieces lang ,nakikita ko sa mga mata nila na ipinapanalangin nilang mamatay na ‘ko. Nakakabasa ako ng isipan ngunit kung hindi nila titigan ang mata ko hindi ko makukuha ang damdamin nila, kaya nga alam ko na pag ang isa sa kanila ay nag iwas ng tingin sa ‘kin. Ang blood link na dinadala ko ay Happiness, kaya hindi ko gusto ang mga nilalang na nagiging masaya dahil pinapaalala lang nila kung gaano kasaklap ang sumpang dinadala ko para sa pamilyang ‘to. Totoo na sinasaktan ko si Raven bata pa lang siya, halos pinapatay ko siya sa araw-araw kaya hindi na nakakapagtaka na kapag nilalapitan ko siya para

