Chapter 29 Ilang araw na simula ng magdesisyon kami ni Raven na maging text at call ang maging pantawid ng relasyon namin sa araw-araw. Naiintindihan ko naman kung bakit siya bihira lang magparamdam pero sobra-sobra ang pag-aalala ko. Hindi ko siya mabosesang may buhay. Pakiramdam ko, may araw na parang sumusuko na siya at natatakot akong saktan niya ang sarili. Kapag katext ko siya parang hindi naman siya nakapokus sa ‘kin, ang haba ng sasabihin ko pero maiksi lang ang tugon niya. Nararamdaman ko na marami siyang iniisip, nahihirapan siya pero kapag tinatanong ko siya pipilitin niyang tumawa. Isinasantabi ko ‘yon dahil baka mas ikalungkot niya kung malalaman niyang maging ako ay apektado sa kanyang pagbabago. Gabi gabi umiiyak ako dahil nahihirapan ako

