CHAPTER 31 "Sweety!" halos ilayo ni Kenjie ang cellphone sa tainga sa tinis nang pagkakabanggit ni Flynne ng sweety, kasalukuyan siyang nagluluto ng hapunan nila ni Shina na abala sa pagrereview dahil exam nito bukas. "Oh?” "I miss you, bago pa lang magsisimula ‘yung klase ko namimiss na kita!" malambing ng pagkakasabi nito, kaya naman napapailing na lang si Kenjie at nangingiti, parang kanina pa nito sinasabi sa text na namimiss sya nito hindi nga lang siya magreply ng 5 minutes tumatawag na ‘to na parang nawawala siya. "I miss you, gisingin mo na lang ako pag makikitulog ka na naman,” natatawang sabi niya rito, para ngang sa kanila na nakatira ang magkapatid. Si Flynne hindi na umuuwi, ‘yong isa naman pagtulog nal ang umaalis dahil president ng school kaya obligadong laging pumasok

