Hindi mapigil ni Flynne ang sarili, ilang beses siyang nagpaikot-ikot sa kama. Nag-iinit ang buo niyang katawan. Hindi malimutan nang kanyang katawan ang mga haplos nang mainit na palad ni Kenjie, sa bawat pagpisil nito habang inaangkin ang kanyang labi, mga dila nilang naglalaro at maging ang katawan nilang dumiriin sa isa’t isa—walang nangyari sa kanilang higit, pero ang mga haplos nito ay higit pa sa pag-iinit ang dala kay Flynne. Pero kailangan niya na itong layuan, hindi niya gustong mamatay, pinagbantaan na siya ni Gabriel na kung hindi niya magagawang asawahin si Raven, hahanap ito nang iba at baka mas tamang mamatay na lamang siya. Napakasama talaga nito! Alam na ni Gabriel ang ginagawa nilang dalawa ni Raven, pero wala naman gaanong pakialam sa kanya si Gabriel,

