“Ibigay mo na ‘yan sa kanya,” si Queenie habang nagpapalit sila ng costume. Sailormoon sila ngayon. Siya si Sailormoon habang ito naman si Sailor Mars. Madalas nasa kanya ang lead role dahil bukod sa sanay siya sa cosplay at may karanasan ay kilala rin talaga niya ang mga karakter at nagagaya niya ang mga gawi nito. “Nahihiya ako,” sagot ni Shina, hindi kasi niya alam kung magugustuhan ni Raven ang umattend sa isang school festival. “Kung nahihiya ka ikaw na lang kaya o isama mo ‘yong kuya mo. Basta hindi p’wedeng ‘di ka pupunta!” Napabuntong-hininga naman si Shina. “Gusto ko naman talaga, pero sasabihan ko na rin muna siya.” “Shina—“ Natigil sila sa pag-uusap ni Queenie. “May V.I.P na ikaw ang request,” Natuwa naman si Shina, si Raven lang kasi ang V.I.P na mahilig mag-i

