Nahigit ko ang aking hininga habang papalapit kami ni Drew sa hagdanan. Mataman kasing nakatingin sa amin si Ryan, nakakunot ang noo niya. Nakatayo lang siya roon sa unang baitang ng hagdan na para bang hinihintay ang pagdating namin ni Drew. "Babe?" nagtatakang saad niya. Naramdaman kong nagpabalik-balik ang tingin sa amin si Drew. Tila nagtatanong ang mga mata niya kung ano ang kauganayan ko sa lalaking kaharap namin. Humigpit din ang pagkakahawak ng kamay niya sa aking baywang. "Ryan," kaswal kong saad. "What are you doing here?" "Kaibigan ko kasi ang isa sa may-ari ng hotel na ito, Babe. Inimbitahan niya ako nang malamang bumalik na ako rito sa bansa." "Babe?" utas ni Drew na tila inis na inis. Nahagip ng paningin ko ang paggalaw ng kaniyang panga. "Ah, Drew," nauutal kong tugon

