Sa dinner ay hindi ko maiwasang mapataas ang kilay nang ipakilala ako ni Drew bilang girlfriend. Sinang-ayunan ko na lang iyon nang tanungin ako ng dalawa niyang kaibigan dahil tila hindi sila naniniwala. "Totoo pala talaga ang balita, pare," saad ni Francis pero sa akin nakatingin. "So tuloy-tuloy na ba ang pagiging good boy natin?" Tumawa siya nang sawayin ng girlfriend na si Ree. "Naku, Rosel, huwag na huwag kang maniniwala sa mga pinagsasabi ni Francis. Good boy naman talaga 'yang si Drew. I know cause we have known each other since our diaper days, di ba, Drew?" Tumingin si Ree kay Drew, seryoso ang mga mata niya at tila may kakaibang ipinaparating ang mga tinging iyon. Ngiti lang ang isinukli ni Drew. Tumigil siya sa pagkain at hinawakan ang kaliwa kong kamay. Hindi ko alam kung

