"Like Ree, Jonah is my childhood friend," paliwanag ni Drew. Ipinikit ko ang aking mga mata mula sa pagkakatingin sa malaking salamin sa banyo. Childhood friend. Matagal na pala silang magkakilala. Wala na akong laban kung tutuusin. Mahabang panahon na ang pinagsamahan nila samantalang ako ay wala pang kalahating taon simula ng maka-engkwentro ko siya sa bar. Nasasaktan ako sa isiping wala man lang akong pwedeng maipagmalaki. Mas nakaaangat sa akin ang babaing iyon. Isa pa mas pabor sa kaniya ang mga magulang ni Drew na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata, wala akong kibo. Walang kasing sakit ang hatid sa dibdib ko habang nakikinig sa mga paliwanag niya. Para iyong punyal na itinarak sa aking dibdib. Walang kasing sakit, walang kasing hap

