Nakatulog si Drew sa sobrang kalasingan kaya kahit gustuhin ko man na makausap siya nang masinsinan ay ipinagpaliban ko na muna. Naroon lang ako sa tabi niya dahil ayaw niyang bitiwan ang kamay ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kama nang masiguro kong tulog na siya. Naroon pa rin kasi sa kusina ang mga kaibigan niya dahil nakiusap akong huwag muna silang umalis hangga't hindi maayos si Drew. Natatakot ako sa maaari niyang gawin. "Tulog na siya?" tanong ni Lottie. Nakaupo siya at may isang puswelo ng mainit na kape sa mesa. Napapailing siya matapos uminom. Tumango ako saka naupo sa tabi niya. Ramdam ko naman ang matalim na tingin na ipinukol sa akin ni Francis. Kanina pa siya tila galit sa akin na hindi ko naman magawang magtanong dahil sa sitwasyon. Bumuntong-hininga si Ree. "I thought m

