Tamad na tamad akong bumangon sa kama kinaumagahan. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko na parang gustong-gusto ko na lang matulog. Para akong nanlalata sa sobrang pagod gayong wala naman akong ginawa nang dumating kami rito sa bahay kagabi galing sa Laguna. Mas pinili kong sa bahay kami dumiretso imbes na sa condo niya. Bukod kasi sa umiiwas ako sa maaaring gawin ni Jonah ay iniiwasan ko ring madatnan ako ng mga magulang niya sakaling bigla na lang sila bumisita kay Drew. Ayos na ako rito sa bahay ko. Komportable ako rito. Muli kong ipinikit ang aking mga mata kahit nababanaag ko na ang pagsikat ng araw sa labas. Inaantok pa ako. Susulitin ko na lang ang araw na ito sa pagre-relax. Hindi muna ako papasok sa boutique. Palagi naman akong ina-update ni Marco tungkol sa dalawang malii

