"You are not mad at me?" Hinawakan ko ang kamay ni Drew. Nakaupo siya sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Umaga na, pero masakit pa rin ang aking ulo. Para akong may hang over gayong hindi naman ako uminom ng alak kagabi. "Why should I be mad at you, Baby?" Ngumiti siya. "Masama lang ang loob ko sa 'yo, but I am not mad at you." Sa narinig ay pinilit kong umupo at niyakap siya. "I'm sorry, Baby. Next time, magpapaalam na ako sa 'yo. Nagpumilit kasi sina Sheena at Salvador kasi nga grand opening ng bar na 'yon kagabi. Isa pa, ayokong makaistorbo sa 'yo dahil marami kang trabaho sa opisina. Remember na ilang araw ka ring hindi pumasok." "Kahit na. You should have called me para at least nakasama ako sa inyo." Tinitigan ko siya kasabay ng pagkunot ng aking noo. "Hindi ka mahilig magpunta

