Chapter 67

2021 Words

Dumaan ang ilang linggo at sa loob ng mga panahong iyon ay labas-masok sa ospital ang ina ni Drew. Ang mga kaibigan niya mismo ang nagsabi sa akin. Malapit kasi ang mga iyon sa kaniyang ina. Napagpasyahan kong i-postpone na muna ang plano naming pagpapakasal. Ayaw man ni Drew pero wala siyang nagawa dahil iyon ang pasya ko. Mas makabubuti kasi na mag-focus muna siya sa paggaling ng kaniyang ina. Natatakot kasi ako na baka mas lalo pang lumala ang kalagayan ng kaniyang ina sakaling ituloy namin ang pagpapakasal. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong ako ang maging dahilan kapag may nangyaring masama sa nanay niya. "Baby." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "I love you. Always take care of yourself." Mahina lang ang boses niya na para bang gustong-gusto na niya akong makita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD