Chapter 60

2006 Words

Kasabay ng malakas na pagbundol ng kaba sa aking dibdib ay ang takot sa kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi ko kilala ang babaing nasa harapan ko, ngunit tila may kung anong bagay ay sumundot sa aking isipan patungkol sa kaniya. May kutob akong siya ang babaing gusto kong makausap nitong mga huling araw. "I'm Jonah." Pormal ang mukha niya at nakataas ang isa niyang kilay. Damang-dama ko sa boses niya ang pagpipigil na magtaray. Mababa lang ang tono niya pero napansin ko ang pagkuyom ng kaliwa niyang kamao. Itinikom ko ang kanina ko pa nakaawang na bibig. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos sa harapan niya dahil hindi ko napaghandaan ang pagkikita naming ito. Hindi ko inaasahan na pupunta siya rito sa ganitong oras. Mabuti na lang at nakapagsuot ako ng roba bago ko binuksan ang pint

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD