Mataman akong nakikinig sa mga sinasabi ni Mr. Jose Buenavidez, ang ama ni Drew. Kanina pa kami ipinakilala ni Drew sa isa't isa at ngayon ay abala silang mag-ama sa pag-uusap tungkol sa kompanya. Hindi nga ako nagkamali sa hula ko tungkol sa hitsura ng mga may-ari ng malalaking kompanya. Malusog ang ama ni Drew, may malapad na noo at puting buhok bunga ng katandaan. "Love is the most important thing," saad niya nang maungkat ni Drew ang tungkol sa pagpapakasal namin. "And I am glad you found it, son." Nakangiti niyang inilapag sa mesa ang hawak na wine glass saka tumingin kay Drew. "Thanks, Dad." Hinawakan ni Drew ang kamay ko dahilan para lalong lumuwang ang pagkakangiti ng kaniyang ama. "And we are grateful you came here to meet Rosel." "It's my pleasure to meet your future wife, hij

