"Naikuwento sa amin ni Drew kung paano kayo nagkakilala," saad ni Mama mahinang boses. Nasa kusina siya para ipagbalot ng suman at dried kamias si Mila. "Ma..." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nahihiya ako sa kaniya. Hindi ganoon ang pagpapalaki niya sa amin. "I'm sorry, Ma. Hindi ko dapat ginawa 'yon." Inaasahan ko na pagagalitan niya ako pero tila hindi nangyari, bagkus ay napangiti siya at pinagmasdan ang mukha ko. "Nasa tamang edad ka na, Rosel anak. Alam mo na kung ano ang tama at mali." "Ma..." Napayuko ako subalit hinawakan niya ang aking baba at tinitigan ako sa mga mata. "Anak, sa lahat ng lalaking ipinakilala mo sa amin ay kay Drew ko lang nakita ang ugaling gusto ko sa magiging manugang ko." Napaawang ang labi ko. May kung anong saya ang bumalot sa puso ko. Maigi n

