If I only have the guts to tell him that I love him, then I'll gladly do it. Natatakot ako sa maaari niyang maging reaksyon o sabihin sa 'kin. Baka kapag umamin ako ay doon na rin magtapos ang pagkakaibigan namin.
Hindi ko ba maintindihan sa lalaking 'yon kung bakit panay ang tingin at lingon sa iba kung narito lamang naman ako sa isang tabi, naghihintay na mapansin niya.
"Ihahatid kita sa room mo, h'wag kang mag-alala. Patingin nga ng sched mo?"
Ipinakita ko kay Kean ang cellphone ko kung saan ginawa kong wallpaper ang class schedules ko. Today is our first day of class and I'm kinda nervous. Nagkalat ang mga estudyante sa campus. Buhay na buhay ang paligid at kitang-kita ko sa mata ng mga nakakasalubong ko ang excitement, kaba, at saya.
"Alam mo Go, hindi mo naman na ako kailangang ihatid pa sa room. Puwede naman akong magtanong tanong na lang, eh," saad ko at tinuro iyong mga guys na nagkukumpulan sa isang gilid kaya napasimangot siya.
"Sa isang building lang naman tayo pupunta, Shae. At saka, bakit ka pa magtatanong sa iba kung nandito naman ako?" he said, annoyance was evident in his voice.
My lips parted while my heart was beating rapidly. Tila may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko dahil sa sobrang kilig. I bit my lip to suppress my smile. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakasimangot ito at salubong na salubong ang makapal niyang kilay. He looked pissed but I couldn't deny the fact that it makes him more attractive.
He's wearing white polo uniform na bukas ang dalawang butones kaya tanaw ko ang suot niyang puting sando sa loob, black fitted slacks and black shoes. Ang magulo niyang buhok ay mas lalong nakadagdag sa kaniyang kagwapuhan.
I pouted my lips.
Hindi nakakaligtas sa tainga ko ang mahihinang tili at pasimpleng kilig ng mga kababaihang nakakasalubong at nakakapansin kay Kean. Sa tangkad ba naman niya na iyon, talagang mapapansin siya.
"Sabay tayo mamayang uwian? Tambay tayo sa bahay. Hintayin na lang kita," he said when we reached my classroom.
"Kean, four o'clock pa ang labas ko..." pagtutol ko pero agad ko ring natikom ang aking bibig nang mapansin ang mataman niyang titig sa 'kin. "Pero sige... siguro naman wala pang klase ngayon since first day pa lang naman di 'ba? Anong oras ba ang labas mo?"
"Two o'clock,"
"Ano?!" My eyes widened. "Huwag na akong hintayin! Pupunta na lang ako sa bahay niyo―"
"Hintayin na kita, Shae. Pumasok ka na sa loob. It's almost time, I need to go," pagputol niya sa sinasabi ko at literal na napaawang ang labi ko. Aalma pa sana ako kaso tumalikod na siya at naglakad palayo sa akin.
I clutched my chest because my heart is beating rapidly again. I closed my eyes, took a deep breath and shook my head. Masiyado na yatang malalim ang pagkakahulog mo sa bestfriend mo, Shaeynna. Umayos ka, hindi maganda iyan.
I was so shocked when I saw my friend, Trisha, in the same room. Hindi naman ako na-orient na magka-blockmates pala kami. Madalang kasi kaming mag-usap lalo na sa mga chats and calls because we're both busy in life. We silently talked and laughed about some stuffs. Kahit nakakatawa ang mga kinu-kwento niya ay pinipigilan ko ang humagalpak ng tawa. I remain composed. I need to be prim and proper, that's what my Mom said. Kailangan daw na maganda ang reputasyon ko sa school dahil marami ang humahanga sa akin kaya kahit hindi komportable at hindi naman talaga ako ganito ay sinusunod ko na lamang siya. I am only free to be me when I'm with Kean.
"Hindi ko nga alam kung bakit nag Accountancy ako, eh." Trisha frowned and sighed. "Maganda kasi sa pandinig, eh. Isipin mo 'yon ah? May magtatanong sa 'yo ng, 'Miss, anong course mo?' then sasagot ka ng 'Accountancy.'" She tapped the arm desk loudly and grinned. "Oh 'di ba? Sarap sa ears!"
I chuckled and shook my head. "Para kang tanga."
Natigil kami sa pagtatawanan at napaayos kami ng tayo nang dire-diretsong pumasok sa room ang Professor. She's holding a folder in her right hand and a marker in her another hand. She walked gracefully. She put her things above the table and fixed her eyeglasses. Her presence was screaming authority and professionalism. I think she's already on her 50's. Wrinkles in her forehead is visible. She then cleared her throat and roamed her eyes all over the room.
"Nakakatakot siya..." bulong ni Trisha sa akin.
I nodded slowly and gulped.
My breath hitched when our gaze met. She raised her eyebrows before pointing her finger at me.
"You, stand up," she commanded.
Napalunok akong muli at kahit nanginginig ang mga tuhod sa kaba ay pinilit ko pa ring tumayo.
"What are the steps of accounting cycle?"
"M-Ma'am?" gulat kong tanong.
Nagsalubong ang kaniyang kilay bago mapanuyang ngumisi. "I won't repeat the question, Miss. Simple lang ang tanong ko...kung hindi mo kayang sagutin, it's okay. You can drop this subject or shift course, it's your choice."
My eyes widened.
"Ma'am, I will answer. I know the answer po." I calmed myself and cleared my throat. "T-The steps of accounting cycle are journalizing, posting, trial balance, adjustment entries, adjusted trial balance, financial statements, closing entries, post-closing entries and reversing entries."
The side of her lips lifted as she nods at me. "Okay, very good."
I was about to sit when she stopped me.
"Who told you to sit, Miss? We're not done—"
Naputol ang sasabihin niya nang mayroong pumasok sa classroom at maangas na naglakad patungo sa upuan niya. Gulat na gulat ako nang makita ko siya, kahit si Trisha na nasa tabi ko ay napasinghap. We really don't have any idea na magkaka-blockmates pala kaming tatlong magkakaibigan. . . pero kaagad nawala ang gulat ko at napalitan iyon ng inis nang mapansin ko ang gusot sa kaniyang suot na damit pati na rin iyong maliit na cuts niya sa ibabang labi.
Damn, Eloisa. What did you do? Mukhang napaaway na naman ang isang 'to.
"Good morning, Ma'am. Sorry I'm late," tamad nitong saad at umupo sa bakanteng upuan sa kanang bahagi ko.
Tiningnan lamang siya noong Professor namin at pinagtaasan ng kilay pagkatapos ay bumaling na ulit sa akin. She motioned me to sit down.
"Maupo ka na kaya muna, Miss. I'm gonna introduce myself now."
I sighed and stretched my arms. Lumabas na si Mrs. Nilooban, saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag. Pigil ang hininga ko sa buong tatlong oras na klase sa kadahilanang baka matawag na naman niya 'ko.
"Aray ko! Ebarg ka naman! Sinabi ko na nga't napaaway lang ako riyan sa labas,"
Lumingon ako kay Eloisa nang malakas itong sumigaw habang hinihimas ang ulo niyang binutakan ni Trisha. Nanliliit ang mga mata nito at akmang babatukan pa ulit itong si Eloisa pero agad ko na siyang pinigilan.
"Tama na 'yan," pag-awat ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Trisha.
"Ayan! Ayan ka na naman sa pangungunsinti mo sa kaibigan natin kaya hindi tumitino 'yan, eh," reklamo niya sa 'kin.
Si Eloisa naman ay kumapit sa braso ko at nagpapaawang ngumuso. "Grabe ka naman sa 'kin, Trish. Matino pa naman ako 'no! Inform kita kapag hindi na!"
"Aba't—"
Bahagya akong natawa at napailing na lamang sa pagiging aso't pusa nilang dalawa. They are my elementary friends, grade five to be exact. Madalas akong i-bully ni Trisha dahil sa height ko, noong nagpaulan kasi ng height si Lord ay natutulog yata ako tapos noong nagpaulan naman siya ng kagandahan ay hindi ko rin nasalo dahil nasa lang langit ako, nagdodonate. Huh! Madalas din akong paringgan ng sipsip ni Trisha because I'm always a teacher's pet tapos umabot na kami sa point na sobrang napikon ako sa kaniya at nagsubunutan kami sa field then dumating si Eloisa kasama ang mga guy friends niya at nakipagpustahan ng pera kung sinong unang iiyak sa aming dalawa ni Trisha, pumapalakpak pa siya noon, and because of that stupidity... pare-pareho kaming pinatawag sa Guidance Office and that's how our friendship started.
Luckily, we survived the first day of being a college student May mga Professor na hindi sumipot, may Prof din na after ng introduction ay umalis na, at mayroon ding dalawang matandang Professor na nagsimula na kaagad ng lecture.
Habang naglalakad palabas ng classroom ay inakbayan ako ni Eloisa. "Tara? Kain tayo. Libre mo 'ko!"
"Aba hoy—"
Tinakpan niya ang bunganga ko gamit ang isa pa niyang kamay pagkatapos ay tinawag si Trisha na nasa loob pa rin ng room at abala sa paglalagay ng make-up.
"Trisha! Bilisan mo riyan! Food trip daw tayo, libre ni Shaeynna!" she shouted.
Napalingon tuloy sa amin iyong ibang estudyanteng nakatambay sa corridor. Siniko ko siya at sinaway.
"Eloisa, 'yang bunganga mo nga! Para kang ulaga riyan at saka hoy! Wala akong sinasabi na ililibre ko kayo, ah! Hindi ako sasama, hinihintay na ako ni Kean! Tatambay kami sa kanila!"
She glanced at me and scoffed. "Puro ka Kean, 'teh! Hindi ka naman mahal no'n!"
Sasagot pa sana ako kaso naunahan ako ng isang baritonong boses mula sa likuran namin.
"Who told you I don't love her?"
Pareho kami ni Eloisa na natigilan, nanlalaki ang mga mata namin at sabay na napalunok. My knees were trembling while my heartbeat fastened. Dahan-dahan kong nilingon ang bestfriend kong nakasandal sa railings. Ang mga kamay nito ay nakalagay sa magkabilang bulsa niya, ang isang strap ng bag ay nakasabit sa kanang balikat, bahagyang hinahangin ang kaniyang buhok at bumabagsak iyon sa kaniyang noo. He brushed it up using his fingers and licked his lips. Tumayo siya ng tuwid at marahang lumakad patungo sa akin.
"L-Love mo 'k-ko, Kean?" nauutal at mahina kong tanong.
Narinig ko pa ang mahinag pagtawa ni Eloisa sa gilid ko kaya't sinamaan ko siya ng tingin. She bit her lip and looked away to suppress her laugh habang ako'y ramdam ang pag-iinit ng pisngi at buong mukha ko.
Shit! Ito na ba 'yon? Magco-confess na siya sa 'kin? Aaminin na ba niyang sa dinami-dami ng mga babaeng nakilala niya at naging girlfriend ay ako pala talaga na bestfriend ang mahal niya?
Oh my gosh! Oh my gosh! I think I'm gonna faint—
"What?" Kean creased his forehead and chuckled a bit. "Of course, Shaeynna. I love you as a friend."
My smile faded. Natatawa niyang pinitik ang noo ko bago umiling.
"Tara na! Sumama na rin kayo sa amin, Eloisa. Food trip tayo sa bahay." ani Kean at nauna nang maglakad.
Naiwan akong tulala sa kawalan. Ang pag-asa, kilig at saya kong nararamdaman kanina ay biglang naglaho na parang bula. Bwisit! As a friend lang pala! Akala ko naman...
"Ano, friend? Tara na?" nakangising saad sa akin ni Trisha pagkalabas niya ng room kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata. Talagang in-emphasize pa niya iyong salitang friend, huh?
Ano? Nang-aasar lang?
"Mga kupal kayo 'no?" nanggigigil kong saad at doon na sila tuluyang humagalpak ng tawa ni Eloisa.