Kabanata 2
Dalawang linggo na lamang ang natitira at pasukan na. Ang buong bakasyon ay inilaan ko lamang sa mga gawaing bahay, paggala at pagtambay kung saan-saan kasama si Kean, at pag a-advance study na rin dahil gusto ni Mommy at Daddy na mapanatili akong nasa top kahit college na ako kaya naman kahit nakakatamad at ang sakit sa ulo ng pagbabasa ay pinagtya-tyagaan ko. I don't want to disappoint her. I can't disappoint them.
Bumuntong hininga ako at isinarado ang librong binabasa ko.
I need a break! Feeling ko mababaliw na 'ko rito sa bahay kakaaral!
Inayos ko muna ang mga gamit ko sa study table bago naligo, nag-ayos at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at naabutan ko roon si Mommy na naglalagay sa tupperware ng ulam na niluto niya, may pagbibigyan siguro.
"Are you done studying, anak?" she asked, giving me a quick glance.
Tamad akong kumuha ng baso at tubig sa ref. Uminom muna ako bago sagutin ang kaniyang tanong.
"Uh, not yet, Mom. Medyo sumasakit na kasi ang ulo kaya nagdecide muna akong magpahinga. I've been studying for the whole day pati kahapon―"
"You should study more, Shaeynna. Malapit na ang pasukan. Always remember na hindi ka puwede mawala sa top, okay? Ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak at iba nating kakilala kung mawawala ka sa honor lists? Nakakahiya 'yon,"
I just nodded my head and gave her a faint smile. Hindi na ako nagbalak pang magsalita ng kahit ano dahil alam ko namang kahit anong sabihin ko, they won't listen to me.
"Ay oo nga pala. Tapos ko nang igayak iyong ulam na niluto ko para sa mga Hidalgo, puwede mo ba 'tong dalhin doon?"
"Sige po, Ma." Tumayo ako at kinuha sa lamesa iyong tupperware na may lamang Afritada.
I checked myself in the mirror and bago pa ako makalabas ng bahay ay hinabol ako ni Mommy para sa isang mahalagang bilin.
"Shaeynna, huwag mong kakalimutan 'yong tupperware ko huh? Sabihin mo kay Kumare o kay Bluie na isalin niya sa pinggan tapos ibalik sa atin agad ang tupperware. Okay lang kahit hindi na hugasan basta maibalik lang," she reminded me and I laughed, nodding my head again.
I waved my hands before heading out to our house. I sighed in relief with I smelled the fresh air. Halos ilang araw din akong nakakulong sa bahay dahil abala nga ako sa pag-aaral at hindi rin nagpaparamdam ang magaling kong bestfriend. Busy siguro sa girlfriend niya.
It's fine for me, though. Ayaw ko rin naman noong isasama niya ako sa mga dates nila para gawing third wheel or taga-picture sa kanilang dalawa.
"Ang ganda mo talaga, Shaeynna," saad noong tambay sa kanto namin at napatingin ako sa kaniya.
Tipid akong ngumisi sa kaniya. "Salamat. Ikaw rin."
"Anong ako rin? Gwapo ako?"
"Maganda ka rin." I chuckled.
Narinig ko pa ang pag-ungot niya roon ngunit nagpatuloy lang ako sa paglalakad, natatawa. Hindi ako nakakaramdam ng takot sa tuwing naglalakad ako mag-isa. I always feel safe. Bukod sa maliit lang ang bayan namin ay halos magkakakilala rin ang mga tao.
Ni kahit minsan ay hindi ko pinangarap na umalis sa probinsyang ito. I'm already contented here. A cold breeze of wind that makes your skin shivers, a few tourists destination such as Kamay ni Hesus, Batis Aramin Resort, Villa Elma Farm and-so-on. Dumarami na rin ang mga itinatayong establishments, maging mga fast-food chains ay mayroon na rin na ang estilo ay tila makalumang panahon. Those walls, the cements, even the ceilings, and everything were antiques and it remains untouched. Kahit saan ka lumingon ay mayroon kang makikitang mga restaurants o kahit anong tindahan ng mga pagkain. Kaya nga noong high school pa lang kami nina Kean ay madalas kaming maglakad pauwi sa bahay at bago pa man kami makarating ay ubos na ang pera namin dahil bawat madaanan na pagkaing natitipuhan ay hindi namin pinalampas.
I smiled while reminiscing that happy memories. Ang simple lamang ng buhay namin pero masaya. Natigil lang ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang marating ko ang bahay ng mga Hidalgo. Sarado ang pinto at bintana nito kaya kahit anong gawin kong pag aninag sa loob ay hindi ko makita. I cleared my throat and knocked on the door.
Walang sumasagot.
"Baka naman walang tao..." bulong ko sa aking sarili.
Napatingin ako sa ulam na dala ko. Kapag walang sumagot o nagbukas ng pinto, dadalhin kita kina Kean, huh?
Kinuyom ko ang aking kamao, buong puwersang nagpaulan ng sunud-sunod na katok. Biglang bumukas ang pinto at sa kasamaang palad ay tumama ang nakakuyom kong kamao sa ilong ng babaeng ngayon ay dumadaing na sa sakit.
"Aray ko!"
My lips parted as I watched her groaned in pain, sapo pa rin ang ilong.
"Pasensiya na, Bluie! Akala ko walang tao." I laughed awkwardly and held my nape.
Ngumiwi naman siya, nanlilisik pa rin ang mga mata sa akin. "Ano bang kailangan mo, huh?"
Napakurap ako at itinaas ang hawak kong ulam. I smiled widely at her.
"Pinapabigay ni Mommy!"
She sighed and nodded. Iniabot ko sa kaniya ang tupperware at kinuha naman niya iyon sa akin. Mas lalong lumawak ang ngiti ko.
"Salamat," walang emosyon niyang sagot at tinalikuran ako.
Iniwan niyang bukas ang pinto kaya naman sumunod ako sa kaniya papasok sa loob ng bahay. Natigilan siya sa paglalakad at puno ng pagtataka akong nilingon.
"Bakit ka sumunod sa 'kin? Pinapasok ba kita?" she asked.
Suminghap ako at nanlaki ang mga mata sa kaniya. Nakakahiya! Hindi niya ba ako pinapapasok?
"Ay bawal bang pumasok?"
"Akala ko nagdala ka lang ng ulam,"
My forehead creased then shook my head. I awkwardly laughed again and pointed the tupperware.
"K-Kailangan ko kasing kunin si Bunso." Tinuro ko iyong tupperware.
"Ah, okay. Hintayin mo na lang ako riyan." She pointed the sofa and turned her back again, pumunta nang kitchen.
Napangiti ako at bahagyang umiling. Ang sungit talaga no'n. My eyes was roaming around their house. Hindi man ito kalakihan ay malinis naman, maaliwalas sa pakiramdam, at hindi masakit sa mata ang pagkakaayos ng mga gamit.
Hidalgo is our family friend. Bestfriend ng Mommy ko ang Mommy Bluie since elementary at nang makapag-asawa ang mga ito ay naging magkaibigan na rin ang Daddy ko at Daddy ni Bluie.
Bluie's only child, kasing edad ko lamang siya. Iyon nga lang ay hindi kami masyadong close na dalawa pero okay naman kami. She's not into interested in making friends, though. She preferred to be alone oftentimes. Tahimik din siya at kung kakausapin naman ay isang tanong, isang sagot lamang pero... maganda siya, huh. Maraming nagkakagusto sa kaniya noon na mula sa iba't ibang batch pero wala naman siyang pakialam.
Hindi na ako magtataka kung tatanda siyang dalaga.
"Balita ko sa Laguna ka mag-aaral?"
"Ah, yes," tipid niyang sagot, abala sa kaniyang cellphone.
Ngumuso ako at in-imagine ang sarili na kunwari ay malayo ako sa mga magulang ko. Hindi ko yata kaya 'yon!
"Ayos 'yon. Malay mo, doon mo na pala mahanap ang the one mo. Ang lalaking kakatok at magpapalambot sa matigas mong puso. Ang lalaking kakalembang sa kweba mo―"
"Oh, shut up Ms. Prim and Proper! Umuwi ka na nga," mariin niyang saad, tinataboy na ako.
I cringed my nose, disguted with what she said. "Excuse me, I'm not Ms. Prim and Proper! Sa school lang 'yon!"
Umangat ang sulok ng labi niya bago nagkibit balikat.
"K."
Kung anu-ano pang tinanong ko sa kaniya at noong malapit na akong maubusan ng tanong ay nagpasiya na 'kong umalis. Naisipan ko ring dumaan kina Kean since malapit lang naman ang bahay nila rito, mga tatlo o apat na kanto lang.
Nang makarating ako sa bahay nila ay agad kong namataan ang bunso niyang kapatid na si Marian na kumakain ng dingdong sa labas.
"Pst! Marian!" I waved my hand, grinning from ear to ear.
Nanlaki ang mga mata niya nang ako'y makita. Sumigaw siya at tinakbo ang distansiya namin para yakapin ako.
"Ate Ynna! Bakit ngayon ka lang nagpunta dini, huh?"
Binuksan niya ang gate at pumasok ako sa loob. Ginulo ko ang buhok niya kaya napasimangot siya at sinamaan ako ng tingin.
"Pasensiya na, busy ako, eh. Kuya mo?" tanong ko.
"Nandoon sa loob. Pumasok ka na lang,"
I nodded my head. "Bakit nariyan ka sa labas?"
Ngumiwi siya at mas lalong sumimangot ang magandang mukha.
"Mainit kasi sa loob, ate. Eh si Kuya naman ay epal. Ayaw buksan 'yong electric fan dahil baka raw mapagod. Dito na lang daw ako sa labas para fresh air," sumbong niya sa akin.
"Ngi, 'yong Kuya mo talaga ang corny! Palibhasa'y hindi yata masaya sa buhay niya kaya dinadamay ka. Oh siya, papasok na ako sa loob ha?" Pinangkitan ko siya ng mga mata at tinuro ang pwesto niya. "Ikaw, diyan ka lang. Huwag kang lalayo. Pumasok ka na rin sa loob."
Tumalikod na ako at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi na ako kumakatok pa kasi kilala na naman ako ng buong pamilya ni Kean pat inga ibang kamag-anak nila ay kilala na rin ako at minsan pa nga ay napapagkamalan akong girlfriend. Ganoon din naman siya sa amin. Close rin sila ng parents ko at kilala rin siya ng ibang kamag-anak ko. Madalas din siyang mapagkamalang boyfriend ko. Ang totoo nga niyan ay gusting-gusto nila si Kean para sa 'kin pero iyon nga lang... hindi naman ako gusto ni Kean para sa kaniya.
Kumalabog ang dibdib ko sa saya nang makita si Kean na tutok na tutok sa pinapanood niyang action movie sa tv. Nakanganga pa siya at nabitin sa ere ang pagsubo sa kinakain niyang chichirya. Hindi niya 'ko nilingon dahil mukhang hindi niya yata ang presensya ko. Psh, ganoon ba talaga ka-intense 'yong pinapanood niya?
Napangisi ako nang makita iyong remote sa gilid ngunit medyo malayo sa kaniya. Lumuhod ako at gumapang patungo ro'n. Napahagikhik nang makuha ko iyon. Nagtago ako sa likod ng sofa na inuupuan niya. Grabe, mukha akong tanga sa ginagawa kong 'to tapos hindi pa rin niya nararamdaman ang presensya ko.
"Gago ka, huwag mong babarilin! Kakampi mo 'yan!" sigaw niya at tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa. "Ay tanga! Huwag sabi! Huwag! Pagsisisihan mo!"
Napapikit ang isa niyang mata at humigpit ang kapit sa chichiryang hawak niya. Kinagat ko ang labi ko at lumingon doon sa tv. Nang akmang babarilin na noong lalaki iyong isang lalaki ay hinanda ko na 'yong remote. Kasabay nang pagkalabit sa baril ay ang pagkamatay ng tv.
"What the f**k?!" Napatayo si Kean, nanlalaki ang mga mata at awang ang labi.
Hindi ko na nga napigilan ang paghalakhak. Tumayo ako at itinuro iyong mukha niya, patuloy pa rin sa pagtawa habang hawak ang tiyan ko. Habang siya naman ay inis at salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
"Shae! Anong ginawa mo?" Ginulo niya ang buhok at inis na nagpapadyak na parang bata.
Inabot ko sa kaniya iyong remote at padabog naman niya iyong kinuha sa akin. Nang buksan niya muli ang tv ay tapos na ang palabas kaya mas lalo akong humagalpak. Grabe, ang epic ng itsura niya!
Umikot ako at umupo sa sofa. Kahit masama ang mood niya ay umupo rin siya sa tabi ko. Magkakrus ang braso sa dibdib at parang papel na nalukot ang mukha. Nang kumalma ako sa pagtawa ay kinuha ko ang chichirya niyang nakapatong sa table at kinain iyon.
"Galit ka ba, Kean?" Sinundot ko ang pisngi niya pero tanging irap lang sinagot niya sa 'kin. "Wow, ilang araw kitang hindi nakita tapos ngayon iirap-irapan mo lang ako?" Madrama akong bumuntong hininga at ngumuso. "Hindi mo man lang ako na-miss? Sabagay, ganiyan ka naman. Porke't may girlfriend ka na, kinakalimutan mo na—"
"Wala na akong girlfriend," pagputol niya sa sinasabi ko.
Nasamid ako sa kinakain at gulat na napatingin sa kaniya. "S-Seryoso?"
Nagdiwang ang mga lamang-loob ko sa sinabi niya. Nabuhayan ako lalo ng dugo pero pinigilan ko pa rin ang sarili kong mapangiti ng malawak.
"Oo nga, Ga. Noong isang araw pa." He sighed.
"Bakit naman? Akala ko pa naman magtatagal kayong dalawa. Alam mo 'yon...maganda naman siya, mukha rin naman siyang mabait—"
"Eh basta, ewan ko ba," problemadong aniya at napatingin ako sa mapupula niyang labi nang basain niya iyon. Parang bigla akong nawala sa sarili. I watched his lips moved while his talking. "Alam mo 'yon? Mayroon akong hinahanap, eh. Kapag magkasama kami, nabo-bore ako. Iyong mga gusto niyang gawin, hindi ko trip. Iyong mga gusto kong gawin, hindi rin naman niya trip. Gusto ko 'yong kagaya mo...'yong kagaya nang samahan natin, hindi boring tapos nagkakasundo pa tayo."
"Edi ako jowain mo," wala sa sarili kong saad.
"H-Huh?"
Natigilan ako at napakurap-kurap. I shifted my seat and looked away. Nararamdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng mukha ko dahil sa sobrang kaba at hiya.
"I-I mean...ako...marami akong kilala na puwede mong jowain." palusot ko, hindi pa rin makatingin ng diretso sa kaniya.
Tinabingi niya ang kaniyang ulo bago umiling at tumawa. "Akala ko kung ano nang sinasabi mo. Nabibingi na yata ako."