Chapter 1

1528 Words
"Congratulations!" My parents greeted me when I went off the stage. Dad handed me a bouquet of roses while Mom kissed my cheeks side by side. "Proud kami sa'yo, anak!" Naiiyak na saad ni Mommy na agad dinaluhan ni Daddy para yakapin. "Thank you, Mama and Papa. Para sa inyo 'to." Hinubad ko ang limang medalya na nakasabit sa leeg ko at isinabit iyon sa kanilang dalawa. I graduated as a Valedictorian in our batch. Everyone was genuinely happy for me lalo na ang parents ko. Well of course, ginawa ko naman ang lahat ng ito para sa kanila. I want them to be proud at me...but if you will ask me kung masaya ba ako, my answer is okay lang. Okay lang dahil simula naman noong bata pa ako ay hindi na ako nawala sa list of honors kaya hindi na ako nagugulat or nakakaramdam ng kung anong excitement every time na umaakyat ako sa stage para kunin at isuot ang mga medalya. Oo nga't pinaghirapan ko ang lahat nang iyon pero nakakaumay din, eh. Parang wala nang bago. Wala nang excitement. Hindi ko naman 'yon ginagawa para sa sarili ko. Sa totoo lang ay ayos lang sa akin kung wala man akong matanggap na medalya or kung hindi ako kasali sa honor all list. The only important for me was to be learned and just to enjoy my life. 'Yon lang naman...pero siyempre, I need to do this because of the high expectations of my parents and other people that surrounds me. Ang ayoko sa lahat ay nadi-dissapoint ko ang mga tao sa paligid ko. "Ga, nagmake-up ka?" Kean asked. He tilted his head a bit while looking at me from head to foot, his brown eyes were shining beautifully. I nodded proudly. "Yes, Go! Ang ganda ko 'no? 'Yan ang tinatawag na gandang hindi mo inakala!" Pagyayabang ko pa sa kaniya. He cringed his nose, disgusted. "Gandang ikaw lang ang naniniwala kamo." Buong pwersa ko siyang hinampas sa balikat ngunit kaagad naman niya iyong naiwasan, tumatawa pa. "Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi mo pa nga ako binabati riyan, nang aasar ka na!" Singhal ko. "Ang kapal din ng mukha mo 'no! Bakit naman kita babatiin, eh hindi naman masarap 'yong shanghai niyo!" singhal niya pabalik sa akin habang punong puno ng pagkain ang bunganga. Kadiri talaga. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubusang maisip kung bakit naging bestfriend ko 'tong siraulong ito. Ang gwapo sana, ang balahura lang ng pag uugali. Nalukot ang mukha ko. Tumayo ako at nagpamewang sa harapan niya. Tumingala siya sa akin na animo'y isang inosenteng bata. "Graduation ko kaya, Kean! Hindi mo nga man lang ako binati ng congratulations tapos ikaw pa ang kauna-unahang humipak sa mga handa ko kanina lalo na ro'n sa shanghai, tapos sasabihin mo hindi masarap?!" "Weh? Share mo lang? Galit ka na niyan? Hina mo naman," pang aasar na naman niya. Umirap ako at tinalikuran siya. Nagdadabog akong bumalik sa loob ng bahay para asikasuhin ang iba pa naming mga bisita. Medyo marami rin ang taong dumalo, kabilang na roon ang mga kamag-anak ni Mama at kamag-anak ni Papa. Narito rin ang mga kaibigan nila at ilan naming mga kapitbahay. Sumilip ako sa bintana para malaman kung ano nang ginagawa na Kean dahil hindi niya 'ko sinundan. Nang makita ko siyang nakikipagkwentuhan sa bunso kong kapatid na si Sharina ay ipinagkibit balikat ko na lamang at bumalik na sa ginagawa. Anim kaming magkakaibigan ngunit si Kean ang pinaka-close ko ever since. Siguro dahil na rin sa magkalapit lang ang bahay naming dalawa kaya siya ang mas madali ko siyang nalalapitan. "Anong plano mo sa college?" One of my auntie's asked. "Nag entrance exam na po ako sa SLSU kaso hindi pa po lumalabas ang result eh," I answered. "Ganoon ba? Ano namang kinuha mong kurso?" "Accountancy po." Mas matanda sa akin si Kean ng isang taon at kapareho ng kurso ni Kean ang kinuha ko. Bata pa lamang kami ay pangarap na talaga namin ang magtrabaho sa bangko o kahit sa opisina. Noon ay naguguluhan pa kami kung anong kurso ba talaga ang dapat at gusto naming kunin. Then as the time goes by, na-realized namin pareho na gusto naming na maging Accountant. Sa isang State University kung nasaan ang ugok kong best friend napiling mag-aral . Dito lamang din iyon sa bayan namin, hindi ko na kinakailangang lumayo pa sa ibang bayan. Walking distance lang din kaya sobrang convenient para sa akin. May motor din naman si Kean kaya paniguradong hindi naman ako pababayaan no'n. "Wait kinakabahan ako," I nervously said and held my chest. Tila sumisikip ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ngayon ire-release ang pangalan ng mga pumasa sa entrance exam at inannouce na rin ng SLSU na nakapost na iyon sa website nila kaya agad kong tinawagan si Kean para papuntahin dito sa bahay. Naabala ko pa yata ang pagtulog niya. Ang loko, hindi man lang nag-abalang magbihis. Pumunta talaga siya rito sa bahay na naka-muscle tee at boxer lang. Sanay na naman akong nakikita siyang nakaganoon kaya walang problema sa akin. "Bilisan mo na kasi! Paano natin malalaman kung nakapasa ka kung hindi mo titingnan?!" Inis na saad ni Kean na sinamahan pa ng pagkamot sa ulo. I glared at him. "Paano kung hindi ako pumasa ha?!" "Aba edi problema mo na 'yon," "Pastilan ka talaga," I cursed. Binuksan ko na ang website. Pareho kaming titig na titig sa laptop at kulang na lang ay idikit namin doon sa screen ang pagmumukha naming dalawa. I slowly scrolled the names, secretly praying na sana ay pumasa ako. I clenched my fist when I stopped scrolling. Agad kong hinanap ang surname ko sa hanay ng letter H. Nanlaki ang mga mata ko at suminghap nang makita ang pangalan ko. "Oh my gosh!" I whispered, still shocked. Heli, Shaeynna C. Tumili ako at tumalon sa tuwa. "Congrats!" Kean laughed. Mukhang hindi na siya nagulat na makita roon ang pangalan ko kaya tumigil ako sa kakatalon at nakapamewang na humarap sa kaniya. "B-Bakit?" "Ba't hindi ka nabigla na pumasa ako?" "Huh? Required bang mabigla?" inosenteng tanong niya. Nang panliitan ko siya ng mga mata ay napatakip siya sa bibig niya na animo'y nagulat at madramang humawak sa dibdib niya. "OMG, besh! Pumasa ka!" tumili siya na parang bakla ngunit halata namang scripted at fake. "Itigil mo nga 'yan. Mukha kang tanga!" Pabagsak akong umupo sa sofa at tumitig muli sa laptop. I just can't believe that I passed. Sobrang taas kasi ng standards sa ekwelahang iyon. Marami akong kakilala na matatalino ngunit hindi pinalad na pumasa. "Oh my gosh talaga! Hindi ako makapaniwala!" Kean ruffled my hair, laughing. "Ako rin, hindi makapaniwala. Akalain mo 'yon-" "Shut up, Go! Don't ruin my mood, puwede ba?" He pursed his lips and shrugged his shoulders. Hinintay ko muna ang sarili kong kumalma. Hindi rin naman nagtagal ay tumayo na rin si Kean at nagpaalam. "Babalik ako mamayang gabi dito. Maligo ka at magbihis ng maayos ha? Kakain tayo sa labas. Ice-celebrate natin 'yan," My eyes widened as I nodded my head. Pinanood ko siyang sumakay sa kaniyang motor. Bumusina siya at sinuklian ko naman iyon ng kaway. Ibinalita ko na rin iyon kina Mama at Papa. As usual, hindi naman sila nagulat. Para ngang sure na sure sila na papasa talaga ako ro'n. Nang sumapit nga ang gabi ay sinundo ako ni Kean sa bahay. Pumunta kami sa Café Florentina, malapit lamang iyon sa SLSU kaya noong mapasulyap ako roon kanina ay hindi ko naiwasang kiligin ng bongga. We ate and talked about random stuffs. Kinuwento sa akin ni Kean kung gaano ka-stressful ang college life kaya hindi ko mapigilang kabahan. It will be a big adjustment for me. New people, new surroundings. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa buhay kolehiyo but there's a part me na nati-thrill. I know Kean would be there for me naman so siguro hindi ko kailangan magworry ng sobra. "Masaya pa rin ba sa college?" tanong ko. Nandito na kami ngayon sa 7/11. Katabi lang din naman 'to ng Café Florentina. Since gabi na nga at malamig pa ang simoy ng hangin, naisipan naming magkape at tumambay dito sa labas ng convenient store. Sumimsim muna siya sa kape bago sumagot. "Masaya naman pero siyempre, hindi na masyadong kasing level ng saya noong nasa High School. Sa College kasi, mas focus na talaga sa acads, eh." "Tss, huwag ka ngang kabahan diyan. Hindi naman kita pababayaan doon 'noh," he added. "Sure ka?" "Oo naman, Ga! Wala ka bang tiwala sa'kin?" Itinuro niya ang kaniyang mukha. "Itong gwapong mukhang 'to, hindi mo pinagkakatiwalaan?" aniya at umiling. Gwapo ka naman talaga para sa 'kin, eh. Siyempre mahal kita kaya kahit ikaw na ang pinakapangit sa mata ng iba, gwapo ka pa rin para sa akin 'no! Pero siyempre hindi ko sasabihin 'yon. Palihim akong ngumiti. I raised the cup of my coffee. "Go, let's cheers to this! Tiwala lang, magiging CPA tayo!" He chuckled and raised his cup too. "Yes Ga, magiging CPA tayo!" puno ng determinasyon na pag-uulit niya. "GaGoals!" sigaw namin pareho bago magkatinginan at sabay na tumawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD