Dad has stage four lymphoma. Hindi na ito naagapan pa dahil kumalat na ito sa mga bahagi ng kaniyang katawan. Ang sabi ni Mommy, namana raw siguro ito ni Daddy sa ina niyang namatay sa katulad na karamdaman. Marami sa mga kamag-anak ni Daddy ang nagkaroon nito—ang ilan ay gumaling at sa kasamaang palad, mas marami ang hindi. "Bakit ngayon niyo lang sinabi sa 'kin?" I asked Mom. Irritation was visible in the tone of my voice. Ramdam ko ang pananakit ng katawan at ulo ko dahil sa tagal ng biyahe ngunit hindi ko iyon pinagtuunan pa ng pansin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakasakay sa eroplano pabalik dito sa Pilipinas. Tinulungan ako ni Tita Brenda, siya ang dahilan kung bakit nakakuha agad ako ng ticket pabalik dito. Gustuhin man niyang sumama ay hindi niya maaaring iwa

