Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Everything went smoothly. Ni wala kaming pinalampas na oras at pagkakataon hanggang sa tuluyan nang bawiin sa amin si Daddy. Malungkot. . . pero eventually ay natanggap na rin namin ng buong buo. Napaghandaan na naman namin ang bagay na iyon. Hindi man naging sapat ang isang buwan bilang pagbawi sa lahat ng pagkukulang. . . alam kong napasaya namin ng lubos si Daddy dahil hanggang sa huling hininga nito ay mayroon siyang matipid na ngiti sa labi. It was enough for us and those happy memories with him will be forever treasured here in my heart. For sure naman ay magkasama na sila ni Sharina kung nasaan man sila ngayon. Alam kong masaya na sila kaya sapat na iyon para sa amin para maging masaya at muling ipagpatuloy ang buhay. Kapag wala akong gi

