Two days before I left, Eloisa and Trisha secretly prepared for my Despedida Party. Ilang mga piling kakilala, kaibigan, at kamag-anak lamang ang naroon. Kean's family was there too but hindi ni isang beses ay hindi nila nabanggit si Kean sa akin. I thought he would come, though. Hindi naman ako nag e-expect na pupunta siya after all what happened to us. Walang nakakaalam kung paano at bakit kami naghiwalay. Basta ang alam lang nilang lahat ay tapos na kami. Hindi ko rin sigurado kung kaya ko ba siyang makita at kung makita ko man siya, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. "You're spacing out again. Okay ka lang?" Inakbayan ako ni Terrence at tipid akong tumango. "May iniisip lang," sagot ko. Pinanood namin ang unti-unting pagkalagas ng mga bisita. Habang lumalalim ang gabi a

