Noong gabing din iyon ay nalaman ko kay Jineer na nabanggit daw sa kaniya ni Sophia na pansamantala raw siyang tumira noon sa apartment na tinutuluyan namin ni Kean, halos dalawang linggo rin daw ang itinagal ng babae roon dahil nang makahanap ito ng sariling apartment ay umalis na ito. Of course, I was shocked. I was devastated that night. Naghahalo-halo ang nararamdaman ko noong gabing iyon. Inis, galit, sakit, at pagkadismaya para kay Kean. At dahil hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan noong araw na iyon, naglasing ako. I drank until I got wasted. Hindi ko alam kung paano kami nakauwi ni Kean, basta kinabukasan paggising ko ay iba na ang suot kong damit at parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Wala akong ideya tungkol doon sa pananatili ni Sophia sa apartment at ni minsan a

