We all go through the hardest times. One day you wake up happy, one day you wake up sad. Minsan, sa sobrang bigat ng ating pinagdadaanan, hindi na natin alam kung kakayanin pa ba natin o isusuko na lang. Minsan gusto mo na lang takbuhan lahat para matapos na.
Well, that's the cycle of life. Kahit anong takbo mo, kahit anong iwas mo, hangga't nabubuhay ka sa mundong ito, hahabulin at hahabulin ka ng mga problema. Nasa sa atin na iyon kung papaano natin haharapin at kung paano natin malalampasan.
God give His hardest battles to his strongest soldiers. Challenges were not made to destroy you; it was made to strengthen you.
Masaya ako dahil unti-unti na akong nakakabangon. Unti-unti ko nang natatanggap ang lahat. Hindi na ako nasasaktan kapag naalala ko ang kapatid ko. Malungkot, oo. . . pero hindi na kagaya nang dati na halos kainin ako ng guilt ko. Alam ko namang masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.
Sa buong bakasyon ay wala akong ibang pinagkaabalahan kundi ang negosyo namin ni Kean. Maayos naman ang takbo ng negosyo namin dahil ginagabayan din kami ng mga magulang niya. Lucban Longganisa ang naisip naming negosyo. Though, marami kaming kalaban sa ganoong klaseng negosyo ay sinubukan pa rin namin and luckily, it was successful. From two helpers, apat na sila ngayon. Mayroon din kaming dalawang taga-deliver at kung sobrang daming orders ay nagde-deliver na rin si Kean since may motor naman siya.
Last week, nag-try din kaming gumawa ng ibang flavors ng Longganisa. Ayaw namin mag-settle sa original flavor lang which is garlic. We worked hard for the innovation of our product and before our class started, i-re-release na namin siya sa market.
"Kumusta na 'yong negosyo niyo? K-Kailangan niyo ba ng tulong?"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape dahil sa tanong ni Mommy. It's been months since the last time we talked kaya sobrang nabigla talaga ako ngayon.
"N-No, maayos naman na po." I took a quick glance at her. Tipid akong ngumiti nang magtama ang mga mata naming dalawa.
She heaved a deep sigh. Mula sa peripheral vision ay kita ko ang paglalakad nito papalapit sa akin. Mas lalo pang naghurumentado ang dibdib ko nang hilahin nito ang bakanteng bangko sa tabi ko at doon umupo.
I pursed my lips as I remained silent. Hindi ko na maalala kung kailan kami huling nagkalapit nang ganito. Nanginig ang sistema ko nang umangat ang kamay patungo sa aking ulo at masuyong sinuklay ang aking buhok.
"I'm proud of you," she emotionally uttered. "Sobrang saya ko dahil nakita kong masaya ka sa kung anumang ginagawa mo ngayon."
Kinagat ko ang aking labi nang maramdaman ang panginginig niyon. Ang sulok ng mga mata ko ay nagsisimula nang mag-init sa hindi ko malamang kadahilanan. Maybe I'm not used with the words she'd said. Palagi kong naririnig sa kaniya na 'dapat galingan mo pa' o 'mag-aral ka pa para ganito, ganiyan', pero kahit kailan yata ay hindi ko narinig ang salitang proud siya sa akin. . . ngayon lang.
She chuckled, but there's a hint of unknown emotion in her voice. "Masiyado akong nagpadala sa standards ko. Natakot kasi ako, eh. Noon, madalas akong mahusgahan at makumpara ng magulang ko sa ibang tao. Hindi ako matalino, wala akong kahit anong talento, samantalang iyong mga kapatid ko, mga pinsan at maging mga kaibigan ko, pinagpala sa lahat ng bagay maliban lang sa katalinuhan."
Nakatitig lamang ako sa tasang nasa harapan ko ngunit ang mga tainga ko'y atentibong nakikinig sa kaniya.
"Kaya sabi ko sa sarili ko, kailangan kong maging matalino. Para kahit wala man akong talent, mayroon akong ibang ipagmamalaki. Kailangan kong pumasa sa standards nila para mapansin naman nila ako." She sniffed and wiped away her tears. "Hanggang sa ayun, iyong 'kailangan kong gawin' ay nakasanayan ko nang gawin. I was being a toxic mother. Ayaw ko kasing maranasan niyo iyong naranasan ko. Kung masakit sa inyo ang makarinig ng masakit na salita mula sa ibang tao, mas doble ang sakit no'n para sa akin."
"But what I did was too much. Masiyado akong nagpalamon sa maaaring sabihin ng ibang tao, without even realizing kung anong mararamdaman niyo."
Tila isang gatilyong kinalabit ang sinabi niya dahil doon ay tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Everything became blurry because of my shameful unshed tears. It was slowly pouring down my cheeks. Pilit kong nilulunok ang matinding nakabara sa lalamunan ko.
"Because of my toxicity, I lost my youngest daughter. I lost my husband a-and I lost everything I have."
"Nandito pa naman ako, ah?" I answered. My voice was broke and husky; I couldn't recognize it. "Sinisi kita, nagalit ako sa 'yo, binalak kong umalis pero hindi ko itinuloy. . . hindi ko itinuloy kasi ikaw na lang ang mayroon ako. Ako na lamang ay mayroon ka. Hindi naman tama kung pati tayo'y maghihiwalay—"
I was cut off by her warm hug. Mahigpit iyon ngunit hindi nakakasakal. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mala-gripong luha sa aking mga mata. Umangat ang mga braso at dahan-dahan iyong iniyakap pabalik sa aking ina.
Everything seems like a magic. Lahat ng bigat, lahat ng sakit, hinagpis, at pagod ay tila bulang naglaho dahil sa mainit niyang yakap. Its indeed true that the best medicine is your Mom's hug.
"I'm sorry, anak. I'm sorry." Paulit-ulit niyang pinatakan ng halik ang noo at sentido ko. "I know where your Dad is, hahanapin ko siya at ibabalik dito sa atin. Promise, I'll do better, anak. Pagbalik namin, aayusin natin lahat. Magsisimula ulit ng panibago. Iingatan ko kayo at mamahalin ko kayo habambuhay. With no too much expectations, without pressuring you. Anak, you are now free to do whatever you want. You are now free to be you."
I nodded my head thrice. "I love you, Mommy."
"I love—"
"Hala! Okay na kayo?!"
Naputol ang pagdra-drama namin ni Mommy nang biglang sumulpot si Kean sa main door. Napasimangot ako nang pasadahan siya ng tingin. Tanging puti na muscle teen at tiger print na boxer ang suot nito.
"Anong ginagawa mo rito? Panira ka," Mommy retorded.
"Pumunta ako rito para makikain sana, Tita, kaso may hug pala na nagaganap kaya pasali ako!" Parang bata ngumuso ito.
Natawa naman si Mommy at sinenyasan siyang lumapit. "Sige na nga. Tutal, parang anak na rin naman kita dahil bestfriend ka ng anak ko."
"Correction, boyfriend!" He snapped his fingers and rolled his eyes.
Bumakas ang gulat na ekspresyon sa kaniyang mukha at bago pa siya makaalma ay hinigit ko na siya papalapit para isang matindihang group hug.
One day you're sad, next day you'll be happy. Tama nga ang kasabihang pagkatapos ng dilim ay mayroong liwanag na sisikat. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko habang yakap-yakap ang dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Isa na lang ang kulang, si Daddy.
Mabilis na lumipas ang mga araw, buwan at taon. Wala na nga akong mahihiling pa. Okay na ulit sina Mommy at Daddy. Mas lumago pa ang negosyo namin at suportado ng mga tao sa paligid ang relasyon namin ni Kean.
Everything feels surreal. Walang paglagyan ang saya sa dibdib ko dahil maayos na ang lahat. . . but little did I know, bago pa lang pala magsisimula ang lahat.
Ang akala kong okay na ay hindi pa pala. Ang tirik na sikat na araw ay unti-unti na namang lumulubog patungo sa madilim na kalangitan.