Chapter 16

1680 Words
Nagpapasalamat pa rin ako dahil may mga kaibigan akong palaging nariyan para sa akin. Alam kong marami rin silang pinagkaka-abalahan sa mga buhay nila ngayong bakasyon, lalo na si Eloisa, pero nagagawa nila akong paglaanan ng oras. Hindi man kami halos araw-araw nagkakausap o nagkakasama, ramdam na ramdam ko naman ang presensya nila. Minsan nga ay nagugulat na lang ako na bigla silang sumusulpot sa bahay na may dalang pagkain at damit para mag-sleep over. Lalo na si Kean na kahit kailan ay hindi pinaramdam sa akin na mag-isa ako. "Hoy, Adrian! Bakit ka ba kasi sumama rito? Hindi ka naman invited," busangot na saad ni Kean kay Terrence na abala sa pagluluto. Bahagya siyang sumulyap na may malaking ngisi sa labi. "For your information, puwet mong may lotion. Kapag na-infection, congratulation! Itong kaibigan s***h ka-ibigan mo ang nag-aya sa aking sumama rito!" "At saka, bakit ba affected na affected kang nandito ako?" dagdag na tanong pa ni Terrence. Umarko ang kilay nito kasabay nang pagsilay ng nakakalokong ngisi sa labi. "Siguro type mo ako 'no?" "Gago, ang kapal naman ng mukha mo!" singhal ni Kean at nakangusong lumipat ang masamang tingin sa akin. "Bakit mo siya in-invite? Am I not enough? Pangit ba ako—" "Oo, pangit ka! Oo, kapalit-palit ka! Huwag mo nang itanong kung why!" Tumawa nang malakas si Terrence. Umigting ang panga ni Kean kasabay ng pagkuyom ng kamao. Nataranta ako nang malalaki ang hakbang nitong lumapit kay Terrence at nanggagalaiti itong sinakal. "A-Aray! Bitawan mo 'ko!" daing ni Terrence habang pinipilit na tinatanggal ang mga kamay ni Kean na nakapulupot sa leeg niya. Namumula na ang mukha nito na labis kong pinag-alala. Akmang lalapitan ko sila para awatin nang biglang ngumisi si Terrence. "Oh yes! Choke me, Daddy!" aniya sa malanding tinig at tila napapasong bumitiw naman si Kean, tinulak ito palayo sa kaniya. "Tangina. . ." nandidiring bulong ni Kean sa sarili. Umalingawngaw ang mala-demonyong tawa ni Terrence. "Oh, e'di bumitaw ka ring gago ka." Mayabang nitong pinagpagan ang kaniyang balikat. Natatawa na lamang ako sa kalokohan nilang dalawa pero unti-unting nabura ang malawak kong ngisi nang makaamoy na parang may nasusunog. Luminga ako sa buong paligid at gano'n na lang ang pagbilog ng mga mata ko nang makita na nasusunog na ang niluluto ni Terrence. Natataranta kong tinuro ang kawali. "Terrence Adrian, nasusunog na 'yo'ng niluluto mo!" Napabalikwas siya. "Oh s**t! Oo nga pala!" aniya at nagmamadaling pinatay ang kalan. Bumagsak ang balikat niya sa panlulumo habang nakatingin sa kawali. Kumukurap-kurap pa siya kasabay nang paglunok. Dahan-dahan kaming lumapit ni Kean doon sa kawali para sumilip at ganoon na lang din ang panlulumo namin nang makita na sunog na sunog na nga ang niluluto niya. "Ang itlog ko," naiiyak na saad ni Terrence at parang batang nagpapadyak. "kawawa naman ang itlog ko! Kasalanan mo kung bakit nasunog ang itlog ko!" "A-Ako?" Itinuro ni Kean ang kaniyang sarili, nagtataka. "Wala akong ginagawa sa itlog mo! Huwag mo akong pagbintangang gago ka!" "Kasalanan mo! Kasalanan mo kung bakit naalipusta ang itlog ko!" "Wala akong pakialam sa itlog mo! Shutang inamers ka!" Napailing ako sa kalokohan nilang dalawa at nagdesisyong iwanan na lamang sila roon sa kusina. Bahala silang magpatayan o magka-develope-an doon. Bumalik ako sa sala at naabutan ko si Eloisa na nakaupo sa sofa at hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa cellphone niya. "Okay ka lang?" tanong ko at naupo ako sa tabi niya. "Akala ko ba sasama si Reyster? Nasaan na?" She glanced at me and gave me a smile. Iyong klase ng ngiti na hindi umabot sa tainga at halatang napilitan lang. "Hindi na raw siya makakasama, eh." Bakas ang pait sa boses nito. "Huh? Bakit?" "Hindi ko alam." She shrugged her shoulders. "Ayos na ang usapan namin, eh. Tapos all of a sudden, bigla siyang magcha-chat at sasabihing hindi na siya makakasama sa atin. Something came up daw tapos no'ng tinanong ko kung ano 'yon, hindi na siya nagreply. Ewan ko, bahala siya." "I-chat niyo na si Trisha. Tanungin niyo kung nasaan na para ma-play na natin 'tong movie." ani Kean na biglang sumulpot galling sa kusina. "Na-chat ko na. Nagkikilay pa raw siya pero nandito na rin 'yon maya-maya," tamad na sagot ni Eloisa. "Nagkikilay pa talaga, eh dito lang naman sa bahay pupunta," Kean hissed. When Trisha arrived, saka pa lang kami nag-start sa movie marathon namin. We watched four movies, dalawang rom-com, isang action, at isang horror na naging comedy dahil takot pala si Terrence roon. Nang maumay ay nag-decide kaming mag-inuman. Hindi pa nauubos ang isang boteng alak ay nagsimula nang magdrama at umiyak si Eloisa about sa relationship nila ni Reyster. Paulit-ulit na rin siya ng sinasabi kaya napapakamot na kami sa ulo ni Trisha. "Ang sabi niya, mahal niya 'ko. Ang sabi niya, hindi siya magbabago, na walang magbabago sa amin kahit magkahiwalay na kami ng school," she cried. "pero bakit ganoon? Kaunting oras lang naman hinihingi ko, hindi pa niya maibigay. I hate it! Ayaw ko sa pakiramdam na parang nanlilimos ako ng oras!" Nagkatinginan kami ni Trisha at sabay na bumuntong hininga. Nang lingunin ko naman si Kean at Terrence ay magkayakap na ang dalawa habang sintunadong kumakanta. "Mahal sana'y pakinggan mo. . . Ang awitin kong ito Na handa akong magbago para lamang sa iyo Lahat ay aking gagawin Wag ka lang mawalay sa akin At ang puso't isip ko sana'y iyo ding angkinin At maramdaman mo sana ang pag-ibig sa iyo Di sasayangin ang pag-ibig na inalay mo. . . At handa ko pong baguhin ang lahat-lahat sa akin Bhie mahalin mo lang ako 'yon lang ang tangi kong hiling. . ." pagkanta nila at natawa ako nang mag-finger heart pa sa akin si Kean. Malalim na ang gabi nang magdesisyon kaming umuwi. Ayaw na akong payagan ni Kean na umuwi dahil gabi na ngunit hindi kasi puwede kaya naman wala na siyang nagawa pa. He insisted na ihatid ako sa bahay at hindi na ako kumontra pa roon. Nauna nang umalis si Terrence dahil ihahatid pa raw niya si Eloisa at Trisha habang ako naman ay tinulungan si Kean na simpanin ang mga kalat namin kanina. It's almost 11:30 in the evening nang maihatid niya ako. Hindi na siya nagtagal pa at nagpaalam na rin pagkahatid sa akin. Nangangatal na kasi ang katawan niya dahil sa lamig kaya nagmamadali siyang umuwi. "Chat kita kapag nakauwi na 'ko. Pahinga ka na," he said and I was startled when he kissed my forehead. Madilim at tahimik na paligid ang sumalubong sa aking pag-uwi. Ang abot-langit kong ngiti at ang masaya kong puso kanina ay biglang bumigat. Parang sinasakal ang puso ko sa lungkot. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at nang magmulat ay agad kong binuhay ang ilaw. Sinilip ko muna si Mommy sa kwarto niya bago tuluyang umakyat sa kwarto. Katulad sa mga nakaraang gabi ay nahihirapan pa rin akong makatulog ngayon. Ang daming gumugulo sa isipan ko. I am starting to overthink again. Darkness is slowly eating me again and before it could eat me, I opened the light. I need to divert my attention. Mabigat man ang katawan ay pinilit kong bumangon. Kumuha ako ng papel at isinulat ang business na gusto kong simulan. I don't know why. . . bigla na lamang siyang pumasok sa utak ko. Matagal ko na talaga gusting magkaroon ng maliit na business para kahit papaano ay mayroon akong pera para sa sarili kong expenses. Pangarap namin iyon ni Kean, hindi lang namin masiyadong sineryoso noon pero ngayon, ito lang ang naiisip kong paraan para ma-divert ang attention ko sa ibang bagay. I have enough money for the capital. Mayroon akong savings sa bank at mayroon din akong perang naipon sa piggy bank ko. Tomorrow, I will talk to Kean about this. Sana lamang ay interesado pa rin siya. "Sure, ayos lang naman sa 'kin. Sakto nga 'tong idea mo, eh. May kilala akong naghahanap ng trabaho, puwede natin silang kunin na helper." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Kean. "Talaga? Itutuloy na talaga natin 'tong dream business natin?" "Hmm." He nodded, smiling. "Business partners na tayo so. . . let's seal this deal with a kiss." Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at ngumuso. Napasinghap ako sa gulat at agad pinitik ang nguso niya. Ayaw ko na 'no! Baka mamaya pinagtri-tripan na naman niya ako! "Ang daya naman! Kiss lang, eh!" pagmamaktol niya. "Lakas mo mag-demand, ah! Jowa ba kita?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Magjowa at mag-asawa lang ang puwedeng mag-kiss!" singhal ko at tinalikuran na siya. Nagmartsa ako papasok sa bahay nila pero ang siraulo kong bestfriend ay biglang humarang sa dinaraan ko habang nakadipa ang mga kamay. Nakakainis pa ang paraan ng pag-ngisi nito. "Luh! Talaga? E'di girlfriend na pala kita kasi nag-kiss na tayo, di 'ba? Naalala mo?" walang prenong tanong niya. Tila umakyat ang dugo ko sa mukha dahil napalingon sa amin ang parents at kapatid niyang nanonood ng tv sa sala. "Hindi sa—" "Hala, puta! Girlfriend na kita?!" bulalas niya, nanlalaki ang mga mata. I waved my both hands while shaking my head. "H-Hindi! Wala akong sinasabi—" "Hindi, wala! Walang bawian! Sinabi mo na dapat magjowa lang ang nagki-kiss, eh, nag-kiss na tayo, 'di ba? Sa sementeryo? So, girlfriend na kita," litanya niya at exaggerated na pinaypayan ang sarili gamit ang mga kamay. "Oh my God! T-Teka. . . wait, kinikilig ako! Ma, Pa! Saluhin niyo 'ko, feeling ko mahihimatay ako!" At bago pa tuluyang makalapit sa kaniya sina Tito at Tita ay tuluyan na itong nawalan ng malay dahilan para bumagsak siya sa sahig. Nagkatinginan kaming lahat. Ngumiwi sa akin si Tita at nagkibit-balikat. "Hayaan mo na 'yan. Gigising din 'yan. Tara, kumain na tayo," saad niya sa akin. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Naguguluhan man ay wala na akong nagawa pa kundi ang magpatianod sa kanila papuntang kusina. I then glanced again at Kean and shook my head. My poor Kean. Pasensiya ka na kasi mas mahal ako ng pamilya mo kaysa sa 'yo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD