Chapter 11

1868 Words
All my life, I've been dreaming and wishing that my first kiss will be something romantic kagaya noong napapanood ko sa mga movie. I thought it will be under the mistletoe, under the rain, in the cinema or even inside the dark room. . . but I was wrong. Akalain mo ba namang sa sementeryo pa nangyari ang first kiss ko at ang masaklap pa ay mayroong nakahuli sa amin. Nakakahiya! Hindi ko tuloy alam kung makakaya ko pang bumalik doon. Mukhang hindi na yata. Wala na akong mukhang maihaharap sa Lola ni Kean. Mabuti na lamang ay hindi siya bumangon mula sa hukay para sakalin at kurutin kami sa singit dalawa. I bit my lip to suppress my smile. In fairness, ang sarap niyang humalik, huh? My cheeks were burning and red like a tomato when I remembered that night. Magkahalong kilig at hiya ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang tukaang iyon. Walang imikan kaming dalawa hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Hindi rin ako makatingin ng tuwid kahit na nararamdaman ko ang mataman niyang titig sa 'kin. After that night, alam kong may nag-iba sa aming dalawa. Iyong paraan ng palitan ng tingin sa isa't isa at iyong closeness naming dalawa. . . it became more deeper than before. I can feel the wordless connection between us. Napasabunot ako sa aking buhok bago kinikilig na gumulong sa aking kama, smiling like an idiot. Kapag talagang naaalala ko ang pangyayaring iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Pakiramdam ko'y lumulutang ako sa ere at awtomatikong nangingiti ako na parang baliw. Bumangon ako't napagdesisyunan na lamang na magpatugtog sa radyo ngunit agad ding nabura ang ngiti sa labi ko nang bumungad sa akin ang pamilyar at sikat na kanta. Locked in the hotel There's just some things that never change You say we're just friends But friends don't know the way you taste, la la la Napangiwi ako sa lyrics. Hindi ko aaminin na natamaan ako kaya inilipat ko iyon sa ibang istasyon at ganoon na lamang ang inis ko nang marinig ang kanta. Paano na kaya, 'di sinasadya? 'Di kayang magtapat ang puso ko Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko, ikaw pa? Paano na kaya, 'di sinasadya? Ba't nahihiya ang puso ko? Hirap nang umibig sa isang kaibigang... Inis kong pinatay ang radyo at bumuga ng hangin. Grabe, anong klase ba 'tong mga pinapatugtog sa radyo ngayon? Feeling ko pinapatamaan ako, eh. Napakamot na lamang ako sa aking ulo at nagdesisyong buksan ang tv, baka sakaling may matino pa akong movie na mapanood. Nang bumukas ang tv ay nakangiti akong umupo sa sofa, prente kong itinaas ang paa ko sa lamesa. Bumungad sa akin ang palabas nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Nasa medyo gitnang part na kaya nanghinayang ako. Sayang, mukhang maganda pa naman pero hindi ko nasimulan. "Kung galit ka sabihin mo sa 'kin, sabihin mo sa 'kin kung bakit. Kung nasaktan kita sampalin mo ako, gantihan mo ako. Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ako," dialogue ni Marvin. I pursed my lips and watched intently the movie. "Oh yes! Kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako. And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend!" madamdaming ani Jolina kaya ang ngiti sa aking labi ay unti-unting nawala. Seriously? Bestfriend na naman?! I groaned frustratedly and messed up my hair. Pinatay ko ang tv at pabagsak na inihagis ang remote sa sofa. Makapag-advance study na nga lang! Time flies so fast. Luckily, I survived the first semester. Makukuha ko na rin ang inaasam kong mahabang tulog! Sobrang puyat at pagtitiis ang ginawa ko nitong mga nagdaang araw. May mga gabing naiiyak na lamang ako sa isang tabi sa sobrang stress at naisipan ko na ring sumuko o di kaya'y magshift sa ibang course. . . but of course, Mom didn't let me. Idagdag pa iyong araw-araw na pressure na binibigay sa amin ng Parents ko at dahil doon ay mas pinipili na lamang namin ni Sharina na magkulong sa kaniya-kaniyang kwarto kapag nasa bahay sina Mommy. Saka lamang kami nakakahinga nang maluwag kapag wala silang dalawa. "Sharina, ikaw na muna ang bahala rito sa bahay, huh? H'wag kang aalis. Pupunta lang akong school, tatapusin ko clearance ko. Babalik din ako agad," I said while tying the lace of my shoes. She lazily nodded her head at walang imik na muling ibinalik ang atensiyon sa tv. These past few days ay napansin ko ang kakaiba niyang kinikilos. Something's off with her, I can sense it. . . pero sa tuwing tatanungin naman siya kung anong problema ay palaging 'wala' ang isinasagot niya. Kapag pinipilit ko nama siyang sumagot ng maayos ay nagagalit siya at nagwa-walkout. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pala-pulsuhan niyang nakabalot na naman sa panyo. Tiim bagang ko iyong tinitigan at nang mapansin niyang nakatitig ako roon ay agad niyang itinago sa kaniyang likuran. "A-Alis ka na, 'teh. Para makabalik ka na rin agad," aniya, hindi makatingin sa 'kin. My lips pursed as I nodded. Ginulo ko ang kaniyang buhok bago tuluyang magpaalam. Sumakay ako ng tricycle patungong SLSU. I am wearing a simple white v-neck shirt that tucked-in in my denim skirt. It was paired by white sneakers. Naka-pink na sling bag lang ako at iniwang nakalugay ang mahaba at kulot kong buhok. Habang naglalakad papunta sa aming building ay nakasalubong ko ang grupo ni Terrence. Adrian wants me to call him that, so I did. Nagngitian kaming dalawa. He then bit his lower lip while his whole face became red, blushing. "Si Cap, kinikilig!" biro sa kaniya ng mga kaibigan niya. Nahihiya ngunit natatawa niya itong sinaway. Dire-diretso lamang ang lakad ko dahil kanina pa ako hinihintay nina Eloisa at Trisha, Umuusok na ang ilong ng mga iyon sa galit. Habang inaabangan ang Professor namin sa Math of Investment sa labas ng faculty room ay inabala ko ang sarili ko sa phone. Ka-chat ko si Kean ngayon at inaaya niya akong kumain mamaya pagkatapos nitong clearance. Narito rin siya ngayon sa school kasama ang ilan niyang ka-blockmates dahil may dalawa pa silang subject na hindi napipirmahan ng Prof. Nang matapos kami sa clearance ay nakahinga na ako nang maluwag. Finally! Makakalabas na kami ni Kean ko! Inilabas ko ang phone ko upang i-chat siya na tapos na ako at hihintayin ko na lamang siya sa student's lounge. "Hindi na kita masasamahan dito, Shae. May trabaho pa ako," ani Eloisa kaya tumango ako. "Okay lang 'yon, ano ka ba? Kaya ko na ang sarili ko. Padating na rin naman si Kean." I gave her a reassuring smile. "Ako rin, Shae. Sasamahan ko kasi si Tita maggrocery. Kanina pa niya ako hinihintay," malungkot na usal naman ni Trish. I chuckled and shook my head. "Okay lang talaga. Sige na, mauna na kayo. Enjoy the Christmas break and the sembreak!" They nodded at me, smiling. "Siyempre! Iyong swimming natin, huh? Tuloy 'yon! Bawal ang talk s**t!" Ilang minuto pa kaming nag-usap bago tuluyang magpaalam sa isa'tsa. Nakangiti ko silang tinanaw palayo. I checked my phone but still, no message from Kean. Nagkibit balikat ako at nagdesisyon na mag-restroom na lamang muna. Dadaan na rin ako sa room nina Kean to check on him. Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang ingay mula sa room nila. Mukha yatang nagkakatuwaan pa sila roon. Habang papalapit ako nang papalapit ay mas lalong lumalakas at lumilinaw ang mga boses. May ilan pang nakikisilip at nakikichismis mula sa katabing room nila, ang mga ngiti'y animo'y kinikilig. "Sagutin mo na kasi Kean..." dinig ko ang malutong na halakhak ng isang lalaki at mga tilian ng mga kababaihan. My forehead creased. Naintriga ako kaya naman bahagya akong sumilip sa loob at mas lalo nga akong napuno ng pagtataka nang makita si Kean at isang magandang babae na nakatayo sa gitna habang napapalibutan ng mga kaklase nila. All of them were smiling widely, may ilan pang may hawak na cellphone at nagvi-video. "Sige na, Kean! Ilang skyflakes din ang kinain niyang si Sophia para pampalakas ng loob at makapag-confess sa 'yo 'no," saad pa noong isang babae. The girl, Sophia yata ang pangalan, ay nahihiyang yumuko. Namumula pa ang mukha at tainga nito habang si Kean naman ay may malaking ngisi lamang sa labi. He licked his lower lip and ran his fingers through his hair that made other girls gasped. "Kahit isang date lang, Keith Angelo. S-Sana mapagbigyan mo ako," Sophia said shyly, medyo nanginginig pa ang boses marahil ay sa kaba. Napalunok ako dahil sa kaba. Everyone's anticipating for Kean's answer. . . lalo na ako. May kaunting kirot akong naramdaman sa aking dibdib ngunit binalewala ko iyon. I know. . . I am confident that Kean will say no. Kilala ko ang lalaking iyon. Kung mayroon man siyang kinaaayawan sa isang babae ay iyon ang babae ang gumagawa ng first move. I clenched my fist. I saw how his eyes glistened in amusement. The side of his lips rose and slowly. . . he nodded his head. The crowd cheered. Tila mayroong sumuntok sa aking dibdib kasabay ng pagbagsak ng balikat. Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang sulok ng mga mata ko. I suddenly felt suffocated in that place at kahit nanghihina ang mga tuhod ay pinilit kong inihakbang ang mga paa ko paatras at naglakad palayo. I-I thought that there's something between us. He kissed me. . . that's why I thought he like me and we're trying to step up into the next level. Bago pa man tumulo nang tuluyan ang mga luha ko ay mayroong humigit sa pala-pulsuhan ko at walang imik na kinaladkad ako palabas ng building namin. "A-Adrian." My voice broke. "It's Terrence for you, Ynna." He gave me a quick look. Hindi na ako nakapalag pa nang tuluyan na kaming malakabas ng campus. Tumawid kami sa kalsada at pumasok kami sa Café Florentina. Ibinuka ko ang aking bibig para magtanong ngunit agad ko rin iyong maitikom nang makita angs seryoso nitong mukha. Salubong ang kaniyang kilay at umiigting ang panga. Dumiretso kami sa counter at inabala ang kaniyang sarili sa pagtingin sa menu. "What do you like to eat?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin. My eyes widened and shook my head. "H-Hindi na. . . s-si Kean—" "Accounting student ka di 'ba?" he cut me off. I nodded my head, confused. "So, you know what's the golden rule in Accounting?" I bit my lower lip and asked him in low voice. "W-What?" "Don't assume unless otherwise stated," he uttered and pinched my cheeks. "You should apply it in your own life, Shaeynna. I bet Kean never said he likes you nor he loves you. Ikaw lang itong nag-assume, right? Well that's what you get when you're assuming too much." He laughed and pushed his tongue against his cheeks. "Tsk, too bad. Sometimes we create our own heartbreaks through expectation, " dagdag pa niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa kaniya. . . because he's right. I expected that we have something. . . now, I am hurting because of my own expectation. Do not assume unless otherwise stated. From now on, I'll take note of that.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD