Chapter 10

1464 Words
Hindi maipinta ang mukha ko habang papalabas kami ng campus. Nahihiya ako kay Adrian dahil hindi ko alam kung okay lang ba sa kaniya na kasama namin si Kean. I mean. . . this is not a date naman. Sasamahan ko lamang siyang kumain ng lunch bilang pasasalamat sa ginawa niya sa akin noong nakaraang araw. Nakakahiya namang tumanggi kaso mas nakakahiya talaga ang kakapalan ng mukha nitong bestfriend kong dinaig pa ang nanalo sa lotto sa sobrang lawak ng ngisi sa labi. Pasipol-sipol pa ito habang nauuna siyang maglakad sa amin ni Adrian. Napakamot ako sa ulo at nahihiyang ngumiti kay Adrian. "Pasensiya ka na rito sa bestfriend ko, huh? Ano eh. . . masiyadong overprotective at epal." He let out a chuckle. "It's okay. Medyo nagulat lang ako dahil para siyang kabute kung sumulpot. Anyway, saan mo gustong kumain? My treat." Akmang hahawakan niya ako sa siko para alalayan sa pagtawid ngunit humarap sa amin si Kean at naniningkit ang mga matang tinapik ang kamay ni Adrian. "No touch, bro," seryosong aniya pagkatapos ay biglang ngumisi na parang ewan. "Gusto kong kumain sa Buddy's. Matagal na rin akong hindi nakakakain doon. Libre mo kami 'di ba, pre?" Adrian was startled with Kean's question. Sumulyap ito sa akin bago alanganing tumango, halatang napipilitan. I even saw him gulped. On the other hands, Kean clapped his hands while grinning from ear to ear. "Goods! Tara na! Papara na akong tricycle," Pareho na kaming walang nagawa at halos puro si Kean ang nagde-decide ng kakainin namin. Wala naman akong problema ro'n dahil alam naman niya iyong mga pagkaing gusto at hindi ko gustong kainin pero ang problema nga lang. . . sobrang nakakahiya na talaga kay Adrian. Gustong gusto ko nang lumubog sa upuan o tumakbo na lamang pauwi lalo na noong makita iyong bill na babayaran. Bigla akong tinamad kumain. Sinubukan kong makihati sa bill pero hindi ako pinayagan ni Adrian. Hindi naman kami nahirapan humanap ng table dahil kakaunti lang ang customers. Sa katabi ng glass window namin napagdesisyunang umupo. Akmang uupo si Adrian sa tabi ko nang hilahin ni Kean ang kwelyo niya palayo sa akin. "Ako dito sa tabi ng bestfriend ko! Doon ka sa tapat namin!" Kean hissed and pouted his lips like a kid. Napakamot sa ulo at ngumiwi si Adrian, wala na siyang choice kundi ang umupo sa harapan namin. Nang magtama ang paningin namin ay tipid akong ngumiti. "Sorry," I mouthed and he gave me a reassuring smile. Pasimple kong hinilot ang sentindo ko. Nakakastress itong lalaki sa tabi ko! This is the reason kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend. Masiyadong basag trip at diskarte si Kean. Imbis na ma-impress sila sa akin ay natu-turnoff pa yata dahil dito sa kaibigan kong epal. Sa bawat usapan namin ay palaging sumisingit si Kean. Sa tuwing sinusubukan akong hawakan o lapitan man lang ni Adrian ay mas mabilis pa sa alas kwatrong tatampalin ni Kean ang kamay niya o di kaya'y sisingit sa gitna namin para hindi ako tuluyang mahawakan o madikitan ni Adrian. Matapos ng lunch na iyon ay nagkaroon pa rin naman kami ng communication ni Adrian. Friends na kami sa f*******: at doon lamang kami nagkakaroon ng time na mas magkakilala pa. I don't like him. . . I just find him interesting as a friend. Mabait si Adrian. Mukha lang siyang playboy but I was so shocked when he told me na never pa siyang nagkaroon ng girlfriend or kahit flings man lamang. He devoted his life in soccer, studies and part time jobs. "Tss, pa-good shot lang 'yon sa 'yo. Kinukuha lang noon ang loob mo," ani Kean sabay nguya sa kinakain niyang chichirya. "Ang sama ng ugali mo! Kaibigan mo rin naman 'yong si Adrian, ah? At saka, wala namang gusto 'yon sa akin. Wala rin akong gusto sa kaniya dahil may iba akong gusto 'no!" usal ko. Natataranta ko siyang inabutan ng softdrinks nang bigla siyang mabulunan, hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ko o sadyang matakaw lang siya. Agad akong tumayo at lumapit sa likuran niya para himasin. "Ano ba naman 'yan, Kean! Kasalanan mo 'yan, katawakan mo kasi!" naiiling kong singhal. He coughed and shook his head. Nang kumalma siya ay bumalik na ako sa pwesto ko. My brows furrowed when I saw him looking at me intently. His mouth was slightly parted, tila ba mayroon siyang gustong itanong ngunit hindi niya magawa. "M-May nagugustuhan ka? Sino?" he asked in a low voice but that was enough for me to hear. I scanned his handsome face before I shrugged my shoulders as an answer. Ikaw ang gusto ko kaso mas malabo pa sa pagputi ng uwak ang tiyansang magkakagusto ka rin sa akin. Paaano ba naman kasi, nakikita mo 'yong mga babaeng malayo sa 'yo pero iyong taong totoong nagmamahal sa 'yo, 'yong taong nagpapakatanga at napakarupok pagdating sa 'yo, 'yong taong kaya kang tanggapin sa kahit na sino at kahit ano ka pa. . . hindi mo makita. Nasa tabi mo na nga pero nasa malayo pa rin ang tingin mo. . . and it pains me every time I think about it. Ipinilig ko ang aking ulo, pilit na winaksi ang mga bagay na naiisip ko at umiling. Humiga ako sa damuhan at ginawang unan ang mga braso ko. Kasalukuyan kami ngayong narito sa paborito naming tambayan. Nasa pagitan naming dalawa ang puntod ng Lola niya at nakapatong doon ang mga pagkain namin. Wala na sana akong balak lumabas ng bahay dahil tambak ako ng mga gawain ngunit marupok ako. Isang pa-cute lang ni Kean, bumibigay na kaagad ako. Well, idagdag pa na ayaw ko rin namang magstay sa bahay lalo na't naroon Daddy at Mommy na sinesermonan na naman si Sharina. I always feel suffocated whenever they're around kaya mas pinili ko na lamang na umalis at sumama kay Kean. Mula sa peripheral vision ay nakita kong ginaya niya rin ang posisyon ko. Manayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging tunog ng kuliglig at ihip ng hangin lamang ang naririnig. Ang utak ko ay nagsimula nang lumipad kung saan. My mind was flying in the future, I kept on imagining things I know that will never happen. Silently admiring God's beautiful creation. "Shae, kahit kailan ba hindi mo naisip na. . ." he trailed off, still looking at the peaceful sky. "Na maging tayo?" I was completely taken aback with his question. Ilang beses kong sinubukang ibuka ang bibig ko para magsalita ngunit tila naubusan ako ng mga salitang sasabihin. I couldn't even find a right word to say. . . "Ikaw, hindi mo ba naiisip?" A soft laughter escaped from his lips. "Alam mo sa totoo lang, naiisip ko, paano kaya kung sa dami-dami ng babaeng nakilala ko, sa 'yo rin pala talaga ang bagsak ko? Aray! Ang malas—" Bumangon ako at walang pasabi na piningot ang tainga niya. "Anong malas ha? Anong malas ang pinagsasabi mo?!" "Aray ko! Bitawan mo 'ko!" daing niya at pilit tinatanggal ang kamay ko sa tainga. Hindi na maipinta ang mukha niya sa sakit. "Bitaw na, Ga! Ang ibig ko lang naman sabihin. . . ang ibig kong sabihin ang malas noong mga lalaking may gusto sa 'yo dahil mapupunta ka sa sobrang gwapo at nag-uumapaw sa hotness na lalaki. . . at ako 'yon." Binitawan ko ang tainga niya at sarkastikong tumawa. Okay na sana, eh. Maglulupasay na sana ako sa kilig kaso masiyado siyang mahangin. Niyakap ko ang aking sarili at nagpanggap na nilalamig. "Grrr, bigla yatang lumakas ang hangin. Nilalamig ako," A small grin was evident in his lips. His eyes were swaying in amusement and emotions I couldn't name. "Malamig ba? Edi sige, painitin natin," ani Kean at bago pa ako makapagreact ay kinabig niya ang batok ko papalapit sa kaniya. It feels like the time suddenly stopped in collision of senses when his lips met mine. Gusto ko siyang itulak palayo ngunit dahil marupok ako ay unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata at hinalikan siya pabalik. His finger curled in my nape and deepen our kiss. His soft lips made me lost my sanity. My heart filled with different emotions; it was pounded vigorously. If this is just a dream or a product of imagination. . . please don't wake me up— "Hoy!" Mabilis kong itinulak palayo si Kean nang may tumama sa aming ilaw mula sa flashlight. Bahagya kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa nakakasilaw nitong liwanag. It was an old man, roaming around the cemetery every night. "Itong mga kabataang ito'y hindi na nahiya sa patay! Dito pa talaga kayo sa sementeryo naghalikan! Hala, magsiuwi kayo!" sigaw niya sa amin at kapagkuwan ay pumikit siya at nagsign of the cross.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD