In my eighteen years of existence, I am living with my parents' expectations. Dapat palagi akong nasa taas, dapat malampasan ko si ganito, bakit hindi ko raw gayahin si ganito o si ganiyan. . . nakakapagod. I just want to enjoy my life. Iyong wala akong pressure na nararamdaman. Iyong hindi ako matatakot na sumubok at magkamali. Iyong hindi ko kailangang maging ibang tao para lamang mahalin ako ng mga taong nasa paligid ko.
Palagi kong naririnig sa mga tao na hinahangaan daw nila ako dahil matalino ako, hinahangaan daw nila ako dahil kahit kailan sa buong buhay ko ay hindi ko na-dissapoint ang mga magulang ko, na bukod sa pagiging matalino ay maganda rin daw ako't mahinhin kung kumilos na hindi na masiyadong makikita sa ibang kababaihan. Almost perfect, ika nga nila.
Pero sa tuwing mag-isa ako sa apat na sulok ng kwarto ko, habang nakatingala sa putting kisame at napapalibutan ng nakakabinging katahimikan. . . napapaisip ako. Ito ba talaga ang gusto ko? Hinahangaan ako ng mga tao pero ni minsan ay hindi ako humanga sa sarili ko. Natutuwa sila sa akin dahil ni minsan ay hindi ko na-dissapoint ang mga magulang ko pero ang hindi nila alam. . . sobra-sobra na ang disappointment ko sa sarili ko.
Kung may isang tao mang naniniwala, nagtitiwala at nakakaalam sa kung ano ba talaga ang tunay na ako, iyon ay walang iba kundi si Kean. With him, hindi ko kailangang magpanggap bilang ibang tao, hindi ko kailangang abutin ang mas mataas pa sa bakod na mga expectations, hindi ko kailangang maging mahihinhin para lamang masabi niya na maganda ako. Because with him, being the real Shaeynna is enough. Kapag kasama ko siya ay hindi ako natatakot na sumubok at magkamali. Hindi ako natatakot ipakita ang totoong ako.
Napaiktad ako sa gulat at nabitawan ang hawak kong libro nang biglang mag-ring ang cellphone kong nakapatong sa side table. Sinilip ko ang screen at nang makitang si Kean iyon ay napakunot ang noo ko. I glanced at the wall clock and it's already 7:27 in the evening.
Anong problema nito?
I sighed and swiped the answer button.
"Hello, Kean?"
"Ga, help me!" he frustatedly shout from the other line.
Sumibol ang matinding kaba sa dibdib ko nang marinig ang boses niya. Is he okay?
"Why? A-Anong nangyari? Okay ka lang? kinakabahan kong tanong.
"Shae punta ka rito, please?"
"H-Huh? Ngayon na?" I swallowed the lump in my throat. Awang ang labi kong tumitig sa mga nakakalat kong notebook, libro at reviewer sa kama.
"P-Please, Shae..."
Hindi ako puwede. Kailangan kong magreview dahil may long tests ako bukas sa tatlong subjects. Kailangan kong bawiin iyong mga bagsak kong scores noong minsan...
"I need you now, Shae," he uttered in a low voice.
I pursed my lips and closed my eyes tightly. Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone bago marahang tumango, as if naman na nakikita niya 'ko.
"Papunta na 'ko," I answered then ended the call.
Hindi ko na nagawa pang ayusin ang mga gamit kong nakakalat sa kama. Binuksan ko ang closet ko, basta na lamang kumuha ng itim na hoodie at isinuot iyon. I am still wearing my PJ's nang lumabas ako ng kwarto. Good thing dahil wala pa ang parents ko kaya dire-diretso akong lumabas ng bahay. Hindi na ako sumakay pa ng tricycle at tinakbo na lamang ang distansya ng bahay namin. Apat na kanto lang naman iyon.
Kahit malamig ang simoy ng hangin ay pinagpapawisan ako't naninikip na ang dibdib. My forehead was sweating bullets. Nangangatog na ang tuhod ko but I couldn't care less. Mas mangingibabaw pa rin ang pag-aalala kay Kean kaysa sa pagod na nararamdaman ko.
What if may nangyaring masama sa kaniya?
"Oh ate? Bakit ganiyang itsura mo? Bakit pagod na pagod ka?" puno ng pagtatakang tanong ni Marian nang makita niya 'ko sa labas ng gate nila.
"A-A-Ang kuya mo?" Ipinatong ko ang mga kamay ko sa magkabilang tuhod para kumuha ng balanse.
"Huh? Nandoon sa taas." Itinuro niya iyong bintana ng kwarto ni Kean.
I nodded and tapped her shoulders. "Akyat na ako ro'n. Dalhan mo akong tubig, Marian."
"Oh sige?" aniya at kahit bakas pa rin ang pagtataka sa mukha ay hindi na siya nagtanong pa ng kahit ano. Kunot noon na lamang akong sinundan ng tingin.
Nagtataas-baba ang dibdib ko at tumatagaktak pa rin ang pawis habang umaakyat papunta sa kwarto ni Kean. I took a deep breath before knocking on his door. Habang hinihintay na magbukas ang pinto ay pinunasan ko muna ang pawis ko sa noo gamit ang likod ng palad ko, sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri at binasa ang pang-ibabang labi.
Ayaw ko ngang makita niya 'ko na haggard at naliligo sa pawis. Hassle 'yon. Hindi ko rin sasabihin sa kaniya na tumakbo lamang ako patungo rito sa bahay nila. Duh, baka isipin no'n na may gusto ako sa kaniya at baka mas lalo pa siyang mag-feeling guwapo. . . pero guwapo naman talaga.
Kumunot ang noo ko nang wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kumatok ulit ako and this time ay mas malakas na pero agad ding natigilan nang may maalala.
"Ay wait, baka mabaho na 'ko," I whispered to myself.
Inilapit ko ang aking ilong sa kili-kili at inamoy-amoy iyon. Wala naman akong putok 'no! Naninigurado lang. Napangiti ako nang wala naman akong naamoy na maasim tapos kasunod ko namang inamoy ay iyong kabilang kili-kili at sa kamalas-malasan ay bumukas ang pinto. Nagsalubong ang kilay niya nang makita ako sa ganitong sitwasyon.
"Anong ginagawa mo?" he asked curiously then chuckled a bit.
My eyes widened and immediately stood straight. Jusko, nakakahiya! Pinamulahanan ako ng pisngi kaya umiwas ako ng tingin at tumikhim.
"Uhm...ano..."
He laughed and pinched my cheek. "Halika nga sa loob."
Tumalikod siya at napasinghap ako nang mapansing wala pala siyang suot na pang-itaas at tanging puting towel ang nakabalot sa kaniyang baywang.
Uh-la-la ang yummy! Biglang nawala sa isipan ko iyong totoong rason kung bakit ako pumunta rito. Ang mga mata ko ay humahagod mula sa kaniyang magulo at basang buhok, may tumutulo pang butil-butil na tubig pababa sa kaniyang matikas at makinis na likod. I gulped when my eyes darted with his big and round butt. Wow! I wanna spank that booty!
Napahagikhik ako.
"Psst! Shaeynna? Nakikinig ka ba?"
Napabalik ako sa ulirat nang bigla siyang humarap sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin, kunwari ay abala sa paglilibot ng tingin sa kabuuan ng kaniyang kwarto habang sumisipol-sipol pa.
Shocks! Ang bad girl ko na! Pinagnanasahan ko ba ang bestfriend ko?
"Huy? Anyare sa 'yo? Weird mo, ah!" He walked towards me and pinitik ang noo ko.
Now that he is close to me, I can smell his manly shower gel and aftershaved perfume.
"H-Huh? Come again?"
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya at nalukot ang mukha. "Sabi ko na nga ba't hindi ka nakikinig, eh! Ang sabi ko kako, tulungan mo ako!"
Matapos niyang sabihin iyon ay saka ko lamang ulit naalala 'yong totoong rason kung bakit ako naparito.
"Ano bang problema? Okay ka lang ba? Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi, ibinaling ko sa kaliwa't kanan para i-check.
He puffed out his cheeks to suppress his laugh. Ang kabang nararamdaman ko ay napalitan ng inis. Agad ko siyang itinulak palayo sa 'kin.
"Kean, hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, ah! Huwag mong sabihin na pinagtri-tripan mo lang ako?!" I hissed and pointed out his yummy body. "At saka, bakit ba ganiyan ang itsura mo? Bakit wala kang damit?" Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. "Siguro pinapunta mo 'ko rito para i-seduce 'no?"
He blinked twice as his lips parted. Nagkaroon ng matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa, I can almost hear crickets the suddenly he bursted out in laughter. I was just staring at him, confused. Halos maglupasay na siya sa sahig sa sobrang pagtawa. His face and chest turned red. Nakahawak siya sa tiyan habang ang hintuturo sa akin.
"F-f**k! Seduce raw?" he said between his laughter.
Umakyat ang dugo sa ulo at mariing kinagat ang labi. Tumungo ako sa kama, kinuha ang malambot niyang unan at gigil na pinaghahampas siya.
"Ako ba'y pinagtritripan mo, huh?! Pinapunta mo 'ko rito para pagtawanan? Ganoon ba, huh?!" nanggigigil kong saad at panay naman ang iwas niya sa akin, ginagamit niyang panangga ang mga braso niya pero patuloy pa rin sa pagtawa.
"A-Aray ko! Calm down, Shae." He chuckled. "Totoong kailangan ko ang tulong mo, okay? Hindi kita pinapunta rito para i-seduce."
Hinahapo akong tumigil sa paghampas at matalim siyang tinitigan. "Seryoso na kasi, Kean!"
He nodded like a child and went to his closet. Mayroon siyang kinuhang dalawang damit na naka-hanger pa rin, malawak ang ngiting humarap ulit at ipinakita iyon sa akin.
"Ano sa tingin mo ang mas magandang isuot? Pareho ko kasi silang trip at bagay pa sa pants ko kaya nahihirapan akong pumili. So, ikaw na lang magdecide." He grinned and raised his brows at me.
Napakurap ako kasabay ng pagkalaglag ng panga ko.
"W-What?" I said, almost a whisper. Hindi ako makapaniwang tumitig sa kaniya at itinuro iyong dalawang damit. "P-Pinapunta mo ako rito ng ganitong oras para itanong kung anong mas maganda riyan sa dalawa?"
"Uh-huh!" Mas lumawak pa ang kaniyang ngiti habang ako'y naiwang nakatulala at nakanganga. "I have a date, Shae. So please. . . help me choose the best outfit. Alam mo namang sa 'yo ako umaasa sa mga ganitong bagay, eh."