Chapter 7

1386 Words
"I'm Catherine, you are?" nakangiting saad sa akin ng babae at inilahad sa akin ang kaniyang kamay. Sumulyap ako kay Kean, nang ngitian niya ako at tanguan ay saka ko lamang inabot ang kamay ni Catherine at ngumiti ng pilit. "Shaeynna. . . bestfriend ni Kean," I said and her smile became wide. Nag-shakehands kaming dalawa at ako na ang naunang bumitaw. She then went closer to Kean at parang lintang kumapit sa braso ng kaibigan ko. Pinigilan ko ang aking sarili na ngumiwi at umirap. "Let's go? Saan mo gustong kumain?" nakangiting tanong ni Kean kay Catherine. "I want sisig, eh. Kubo sizzlers?" "Sure," Kean winked at her kaya mas lalong umasim ang ekspresiyon ng mukha ko. Magkatabi silang naglalakad habang ako naman ay nanatili sa likod nilang dalawa na parang bodyguard. Parang bingasakan ng hallow blocks ang mukha ko sa sobrang busangot nito. "I want sisig, eh," I mimicked the girl and rolled my eyes. "Pabebe ka girl?" Hay! Ewan ko ba kung paano ako humantong dito. Dapat ngayon ay nasa bahay lamang ako at nagpapakalunod sa pagre-review at pag-a-advance reading pero heto ako't third wheel na naman sa date ng bestfriend ko. Jusko, bakit kasi hindi ako marunong humindi? Bakit ba kahit isang simpleng pakiusap o hiling lamang mula sa kaniya ay wala akong magawa kundi ang pumayag at magsunud-sunuran sa kaniya? Malala na ba ako? Hindi na yata tama itong ginagawa ko. "Thanks for coming with me, Shae," malambing at pabulong na saad sa akin ni Kean habang umoorder kami ng pagkain. Tiningala ko siya at tipid akong ngumiti sa kaniya. "Ayos lang. Basta ikaw." Kumislap ang mga mata niya sa sinabi ko. Lumawak ang ngisi niya sa labi, ginulo ang buhok ko bago bumaling ulit kay Catherine na nahuli kong masama ang tingin sa 'kin. Nang humarap sa kaniya si Kean ay ang masama nitong tingin ay napalitan ng isang matamis na ngiti. I scoffed and shook my head. Plastic amputa. Nang ilapag ng tindera iyong order kong beer ay tumalikod na ako sa kanila at humanap ng kubo na pwe-pwestuhan. Kean called my name but I didn't bother to look back. Pagkapasok ko sa kubo ay agad kong tinungga ang hawak kong beer. Natulala ako at mapait na natawa. Buong akala ko talaga ay kung ano nang nangyari sa kaniya kanina kaya kahit nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral ay iniwan ko iyon para sa kaniya. Tinakbo ko pa ang distansya naming dalawa! Apat na kanto rin ang layo no'n 'no! Tapos malalaman ko lamang na pinapunta lamang niya ako ron'n para papiliin sa dalawang damit! Fuckshit! Akala ko pa ay doon na magtatapos iyon pero ang siraulo kong bestfriend nag-request pa na kung puwede ko raw siyang samahan para mapakilala na rin niya sa akin. To be honest, I am free to say no. I am free to decline his request but. . . si Kean 'yon, eh. Kailan ba ako humindi sa isang 'yon? Marupok at tanga ako pagdating sa kaniya. I glanced at my wristwatch and yawned. It's almost eleven in the evening. Rinig na rinig ko ang malakas na tawanan mula sa kabilang kubo kung nasaan si Kean at Catherine. Gusto sana ni Kean dito rin sila sa kubo kung nasaan ako pero ayaw ni Cath. Gusto noong babae niya ay sila lamang dalawa kaya heto. . . mukha akong loner na brokenhearted dito sa kubo kung nasaan ako. But Kean, always checked on me from time to time. Catherine Del Valle came from well-known family. Ang Daddy niya ay Vice Mayor sa bayan namin habang ang Mommy naman niya ay Dean ng Engineering sa SLSU. . . but Catherine are studying in Lucena. She's a tourism student, 2nd year college rin kagaya ni Kean. Well, I must say na bagay naman sa kaniya iyong kurso niya. Maganda siya, matangkad at maganda ang katawan pero kagaya sa mga naunang babae ni Kean, alam ko at ramdam ko na hindi rin siya magtatagal. And I was right! Because after their first date, hindi na muli pang nagparamdam si Kean kay Catherine. "Pagkatapos ng date niyo noong gabing 'yon? Wala na? Ghinost mo na?" kunot noong tanong ni Trisha kay Kean. Narito kami ngayon sa Canteen dahil wala kaming klase. Mayroon kasing event ngayon sa campus at ang mga estudyante at Professor ay naroon sa gymnasium kung nasaan ginaganap ang opening ng program. From here, we can hear the loud music and thunderous screams of the people. "Yeah," tamad na sagot ni Kean. "Hala, punyemas ka! Bakit mo naman ginawa 'yon? Kaya pala puro pang-broken hearted ang shine-share na memes sa f*******:, eh." Eloisa chuckled and shook her head. "Ewan ko ba rito kay Kean. Mukha naman silang okay noong gabing 'yon tapos pagkauwi biglang ayaw na?" sabat ko pa. Uminom ng tubig si Kean at nagkibit balikat. Ang mga mata naming tatlo ay nakatuon at nag-aabang sa sa sasabihin ni Kean pero ang loko ay pinagtaasan lamang kami ng kilay. "What?" "Kean..." I glared at her and he gulped like a nervous child. "I-I-I just didn't like how she treat you, Shae," he said in a low voice. "What?" He gave me a quick look then hissed. "Gusto mo isa-isahin ko? Una, nakita ko 'yong masamang tingin niya sa 'yo. Pangalawa, iyong sa kubo. . . dapat doon kami uupo sa kubo kung nasaan ka pero ayaw niya. Pangatlo, iyong s-sinabi niya sa akin na kung gusto ko pa raw maulit 'yong date namin. . . dapat hindi na kita isama o iwasan na kita." His jaw clenched and licked his lips. "Hindi pa naman ako baliw para mas piliin siya kaysa sa 'yo." "If she can't accept the fact that you are part of my life then I won't accept her in my life too. That's it, Shae. It's not my lost, anyway," he added. Tumayo siya, padabog na isinukbit ang bag sa balikat at umalis ng cafeteria. I was left dumbfounded. My heart was skipping so fast. My mouth was leave partly open. I can also feel the familiar sensation in my stomach. Wala akong nagawa kundi sundan na lamang ng tingin ang papaalis na pigura. "Wala na! Hulog na hulog na 'tong kaibigan natin." Eloisa roared a laughter habang si Trisha naman ay natatawang umiling sa akin. Hindi ako sumagot. Yumuko lamang ako at mariing ipinikit ang mga mata ko. . . dahil tama sila. Habang tumatagal, mas lalo lamang tumitindi ang nararamdaman ko para sa kaniya at alam kong kahit anong gawin ko ay hindi ko na mapipigilan pa. "Alam mo, hindi maganda 'yong ganiyan, eh. Siguro panahon mo na para magkaroon ng sariling love life at sariling date. Tama na sa pagiging third wheel, girl!" Trisha uttered na sinang-ayunan naman ni Eloisa. My forehead creased at them. I don't get it. What does it mean? Naguguluhan akong tumitig sa dalawa kong kaibigan na mayroong malaking ngisi sa labi. Halos kilabutan ako roon, bakas na mukha nilang mayroon silang hindi magandang plano para sa akin. "Date some guys, Shae!" Agad akong napaismid sa sinabi ni Eloisa. Nag-isang linya ang labi ko kasabay ng sunud-sunod na pag-iling ng ulo ko. "Wala akong oras para riyan—" "Walang oras o umaasa sa bestfriend? Jusko 'teh! Kahit ialay mo pa ang buong kaluluwa mo riyan kay Kean, kung hindi ka talaga niya gusto, walang mangyayari," litanya ni Trisha. "Pero ayaw ko nga! Kung anumang iniisip niyong dalawa, itigil niyo na! Hinding hindi ako papayag!" Nagkatinginan silang dalawa bago nagkibit balikat. Parang papel na nalukot ang mukha ko sa sobrang simangot at mas lalo pa akong naiinis dahil sa malawak nilang ngisi sa labi na hindi pa rin nawawala. They both stood up from their seat at saka umupo sa magkabilang tabi ko. Si Eloisa sa kanan. Si Trisha sa kaliwa. Magkasabay nila akong inakbayan dahilan para mas lalong bumusangot ang mukha ko. "Matagal ka nang nakatambay sa tabing-dagat, Shae. Panahon na para lumangoy at makakilala ng mga bagong isda. Kung akala mo ay siya na nagkakamali ka. May marami pang magagandang isda riyan," Eloisa said. "Right! In short, stop na sa pagiging tanga sa taong kahit kailan ay hindi naman makikita ang iyong halaga! Stop staying with Shokoy and let's find Nemo!" Trisha added then they both giggled. My forehead creased. What the f**k? Ano raw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD