Kabanata 113 HINDI mawala sa labi ni Homer ang ngiti matapos niyang ihatid ang kanyang mag-ina kahit pa’y nabigo sila sa test kanina. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang kalooban dahil nandiyan si Althea at Savier pati na rin ang kanyang pamilya. Mabilis ang pagmamaneho ni Homer kung kaya’y nakarating siya kaagad sa mansyon. Una niyang hinanap ang kanyang anak na si Gregory. Naabutan niya ito kasama ang yaya ng bata. Humalik siya sa anak at kaagad na bumigat ang kanyang kalooban. Hindi naman niya pwedeng ipaliwanag iyon sa bata kasi wala pa ito sa murang edad upang maindihan ang lahat. Pagkatapos niyang kumustahin ang anak ay kaagad na niyang hinanap na rin ang abuela at abuelo na naabutan niya ang mga ito sa veranda ng mansyon. Mukhang wala yatang mga lakad ang dalawa kasi nakapambihis

