Kabanata 114 DAHIL sa nangyaring ginawa ni Hazel ay pilit nang iniiwasan ni Homer si Hazel kahit pa’y hawak nito ang kanyang anak. Ngayon ay mas malinaw na sa kanya na ginagamit lang ni Hazel ang bata para lang manatili rito sa mansyon bagay na hindi niya papayagan dahil alam niya kung ano ang magiging resulta niyon. Kung noon paman ay alam niyang magiging ganito si Haazel ay hindi na lamang pang kumuha ng magiging ina ng kanyang anak upang gumaling si Gregory. Mas mainam kung banyaga nalang sana ang kanilang kinuha para walang komplikasyon. Ngayon ay nababahala siya dahil sa kawalang hiyaang ginagawa ni Hazel sa kanya. Sa oras na manganak ito ay siya na mismo ang kakaladkad palabas nito sa mansyon. O mas mainam ay kung nasa ospital na ito ay hindi na babalik ng mansyon ang dalaga. Kasa

