Kabanata 115 BUMABA na silang lahat sa kotse. Naiwan saglit si Homer kasi hinahanap niya ang kanyang wallet bagay na hindi naman niya pala nadala. Nakapasok na ang kanyang Kuya Douglas pati na ang anak na aka-akay ng yaya nito. Eksaktong paghakbang ni Homer nang mayroong bumukas na kotse sa hindi kalayuan sa kanya. Napatingin siya saglit ngunit lumakad na siya ngunit hindi na niya binalingan ang bumaba. “Okay lang ba nandito ako? Baka hindi ako imbitado,” wika ng babae na nagpahinto sa lakad ni Homer dahil sobrang pamilyar ng boses. Tiningnan ni Homer nang mapagsino ang babae at ganoon nalang ang kanyang gulat at mabilis na pagtibok ng kanyang puso nang makita si Althea at nakahawak ito sa braso nang isang lalaki. Napatitig siya siya sa dalawa. At maging ang babae nang makita siya medy

