Kabanata 116 LUMIPAS ang mga araw at walang naging balita si Homer kay Althea maging sa anak kung kailan ito magsisimulang magtatrabaho sa mall ng ama. Siyempre sabik na sabik siya na sa kanyang muna mananatili ang bata dahil kailangan magtrabaho ng babae. Naisip na rin ni Homer na magtrabaho ulit ngunit pinipigilan siya ng kanyang mga magulang dahil nandiyan si Gregory at kailangan siya nito araw-araw. Bagay na naiintindihan ni Homer. Ngayon ay hinihintay na lamang niyang magpaparamdam sa kanya si Althea. “Oh Homer,” pansin ng kanyang Kuya Douglas, “wala ka bang lakad ngayon?” tanong nito. Pumunta lang itong mansyon dahil naghatid ng vitamins sa kanilang abuelo at abuela. Ngayon ay paalis na ang pinsan. “Wala eh, mas mabuting mananatili na lamang ako rito Kuya Douglas, kailangan rin a

