KABANATA EIGHTY-FOUR

1563 Words

Kabanata 84 HALOS lumuhod na si Homer sa sobrang bigat ng kanyang nararamdaman nang pinagmasdan ang pag-alis ng kanyang mag-ina. Sobrang dinurog ang kanyang puso dahil wala siyang magawa at hindi niya kontrolado ang sitwasyon. Kung masakit iyong pag-alis bigla nina Althea at ng kanilang anak noon ay mas masakit pa ngayon. Harap-harapan talagang nasaksihan ng kanyang mga mata ang pag-alis ng dalawa. Habang nasa kalagitnaan siya ng kanyang pighati ay bigla na lamang tumawag si Peter. Ayaw na sana niyang sagutin ang pinsan dahil pabalik na naman siya sa condo ngunit pinili niya na lamang sagutin ito dahil kasama nito ngayon ang kanyang anak na si Gregory. “Bakit Peter? Kumusta kayo diyan?” tanong niya sa kabilang linya. “Kuya si Gregory dumugo na naman ang kanyang ilong,” ani nin Peter.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD