Kabanata 83 HUMUGOT na muna ng buntong hininga si Cindy at sumama na ito kay Raven. Napangiti naman si Althea dahil unti-unti na talagang ma-successful ang kanilang plano. Nang makaupo na ang mga ito ay umalis na rin siya sa kanyang tinatayuan. Bumalik na muna si Althea sa kanilang silid ni Cindy at tiningnan si Savier. Tulog na tulog pa ito kaya nagtungo na siya sa restaurant.Naabutan niya si Chef Om na nakaupo lang habang nakahanda na ang kanilang mga pagkain. “Mamaya na ako maglilinis pagktapos nating kumain Ma’am Althea, kumusta na po? Nag-date na ba silang dalawa?” “Oo, nandoon na ang dalawa kaya tayo dito ay magpakasaya sa pagkain. Diyos ko, kanina pa ako takam na takam sa lobster at oyster. Parang mapapalaban na naman ang tiyan ko nito.” “Ubusin po natin ito lahat,” ani ng chef

