Kabanata 82 ITO ang gabi na pinakahihintay nina Althea at Raven. Kinausap na rin niya si Chef Om sa kanilang plano at masaya naman ito. Siyempre dahil gabi gaganapin iyong proposal ay sila talaga ang maghahanda ng pagkain kaya si Chef ang inatasan ni Althea. Nakausap naman nila ang isa mga restaurnt ng Boracay na pwede ba silang makagamit sa kitchen ng restaurant at magbabayad na lamang silang. Siyempr3 pumayag ang may ari. Nakihiram na rin siya ng lamesa, dalawang upuan at nagpabili siya ng tela na ilalatag sa lamesa. Everything went well at laking pasalamat ni Althea dahil hindi naman nakakahalata si Cindy kung gaano siya ka busy. Upang hindi matiktikan ng bahae ang kanilang plano ay si Raven na muna ang nagbantay kay Savier. Mahirap na kung kay Cindy niya ito ipababantay. "Kumusta? O

