Kabanata 81 HABANG pinagmamasdan ni Althea ang sobrang linaw ng tubig ay kanyang naalala ang kanyang naunang pamilya lalo na si Brandon. Kumusta na kaya silang tatlo sa kabilang buhay? Magkasama kaya sila ngayon? At masaya kaya sila ngayon? Alam niyang hindi na dapat niya iyon iniisip pero sadyang miss na miss na niya ang mga ito. Kung kasama pa kaya niya ang mga ito ay makikilala kaya ni Althea ang kanyang ama at pamilya nito? Talagang hindi na niya alam kung ano ang iisipin dahil gusto niya lang iwaglit sa kanyang utak si Homer na pilit pa rin siyang sinasalakay. “Darating din ang araw Homer na hindi na kita naiisip at kapag nasagi ka man sa aking isipan ay pagtatawanan na kita. Naging tanga ako saiyo noon pero hindi na iyon mangyayari. Aminado akong dahil lang iyon sa wala akong karan

